عن أبي ربعي حنظلة بن الربيع الأسيدي الكاتب- رضي الله عنه- أحد كتاب رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: لقيني أبو بكر رضي الله عنه فقال: كيف أنت يا حنظلة؟ قلت: نافق حنظلة! قال: سبحان الله ما تقول؟! قلت: نكون عند رسول الله صلى الله عليه وسلم يُذَكِّرُنَا بالجنة والنار كأنا رَأْىَ عَيْنٍ فإذا خرجنا من عند رسول الله صلى الله عليه وسلم عَافَسْنَا الأزواج والأولاد وَالضَّيْعَاتِ نسينا كثيرا، قال أبو بكر رضي الله عنه : فوالله إنا لنلقى مثل هذا، فانطلقت أنا وأبو بكر حتى دخلنا على رسول الله صلى الله عليه وسلم . فقلت: نافق حنظلة يا رسول الله! فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «وما ذاك؟» قلت: يا رسول الله، نكون عندك تذكرنا بالنار والجنة كأنا رأي العين فإذا خرجنا من عندك عافسنا الأزواج والأولاد والضيعات نسينًا كثيرًا. فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «والذي نفسي بيده، لو تدومون على ما تكونون عندي، وفي الذِّكْر، لصافحتكم الملائكة على فرشكم وفي طُرُقِكُمْ، لكن يا حنظلة ساعة وساعة» ثلاث مرات.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Rib`īy Ḥanđalah bin Ar-Rabī` Al-Usaydīy, ang Tagasulat, malugod si Allah sa kanya, ang isa sa mga tagasulat ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: Nakatagpo ako ni Abū Bakr, malugod si Allah sa kanya, at nagsabi siya: "Kumusta ka, o Ḥanđalah?" Nagsabi ako: "Nagkunwari si Ḥanđalah!' Nagsabi siya: "Napakamaluwalhati ni Allah, ano ang sinasabi mo?" Nagsabi ako: "[Kapag] tayo ay nasa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagpapaalaala sa atin ng Paraiso at Impiyerno, parang bang tayo ay nakakikita [niyon] sa mata; at kapag lumabas tayo mula sa piling ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, pinagkakaabalahan natin ang mga asawa, ang mga anak, at ang mga kabuhayan; nakakalimot tayo sa marami." Nagsabi si ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Sumpa man sa Kanya na ang kululuwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling mananatili kayo sa kung ano kayo sa piling ko at sa pag-alaala [kay Allah], talagang kakamayan kayo ng mga anghel sa mga higaan niya at sa mga daan ninyo, ngunit o Ḥanđalah may oras [para sa Mundo] at may oras [para sa dasal]." Inulit ito nang tatlong ulit.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ipinabatid ni Ḥanđalah kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq na siya ay nasa isang kalagayang hindi ang kalagayang kapag siya ay nasa piling ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Iyon ay dahil sa kapag sila ay nasa isang kalagayang nag-aalaala kay Allah at kapag nakihalubilo na sila sa mga anak, mga asawa, at makamundong gawain, nagbabago ang mga kalagayan nila. Kaya inakala niya na ito ay isang pagkukunwari yamang ang reyalidad ng pagkukunwari ay ang pagpapakita ng isang kalagayang hindi ang kalagayang nakakubli. Noong ipinabatid nila sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon, nagsabi siya sa kanila: "Kung sakaling magpapatuloy kayo sa kalagayang tinataglay ninyo sa piling ko, talagang babati sa inyo ang mga anghel ng kamayan at kukumusta sa lahat ng mga kalagayan ninyo; ngunit kailangan ang balanse: may oras para sa Panginoon at may oras para sa mag-anak at gawain sa Mundo."