عن عبد الله بن الشِّخِير رضي الله عنه قال: «رأيت رسول الله صلى الله عليه وسلم يُصَلِّي، وفي صَدره أَزِيزٌ كَأَزِيزِ الرَّحَى من البُكَاءِ صلى الله عليه وسلم ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullah bin Ash-shukhayr-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at sa dibdib niya ay boses na parang boses ng gilingan dahil sa pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinapahayag ni `Abdullah bin Ash-shukhayr-malugod si Allah sa kanya-Na nakita niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at naririnig niya sa kanya ang boses na tulad ng boses ng Gilingan; Sapagkat ang gilingan kapag ito ay gumugiling ay naglalabas ito ng boses sa paggigiling niya,kaya`t ihinalintulad ng isang kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanya-ang pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal na tulad ng boses ng gilingan,At ito ang kalagayan niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Panginoon niya,Kahit pa siya ay tunay na napatawad na ni Allah sa kanya ang mga una sa kasalanan niya at ang mga huli nito,Subalit kahit sa ganitong [kalagayan] siya parin ang higit na mapagkumbaba sa mga tao at higit na mananampalataya at higit na may malaking takot sa Allah-Pagkataas-taas Niya dahil sa pagiging ganap na kaalaman niya sa Panginoon niya.