وعن سالم بن عبد الله بن عمر بن الخطاب رضي الله عنهم عن أبيه: أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: « نِعْمَ الرَّجُلُ عبد الله، لو كان يُصلِّي من الليل» قال سالم: فكان عبد الله بعد ذلك لا يَنامُ من الليل إلا قليلًا.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Sālim bin `Abdillāh bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanila, ayon sa ama niya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi." Nagsabi Sālim: "Kaya si `Abdullāh noon matapos niyon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si `Abdullāh bin `Umar ay isang matuwid na lalaki at itinangi niya ito sa pagbanggit sa pagbangon sa gabi para magdasal. Kaya siya noon ay hindi natutulog sa gabi malibang kakaunti.