عن قيس بن أبي حازم، قال: دخلنا على خباب بن الأرت - رضي الله عنه - نعودُه وقد اكْتَوى سبعَ كَيّات، فقال: إن أصحابنا الذين سَلفوا مضوا، ولم تَنقصهم الدنيا، وإنّا أصبنا ما لا نجد له مَوضعاً إلا التراب ولولا أن النبي - صلى الله عليه وسلم - نهانا أن ندعوَ بالموت لدعوتُ به. ثم أتيناه مرة أخرى وهو يبني حائطاً له، فقال: إن المسلم ليُؤجَر في كل شيء يُنفقه إلا في شيء يجعلُه في هذا التراب.
[صحيح] - [متفق عليه، واللفظ للبخاري. وروى مسلم أوله مختصراً]
المزيــد ...
Ayon kay Qays bin Abī Ḥāzim na nagsabi: "Pumunta kami kay Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, upang dalawin siya noong nagpapaso siya ng pitong paso. Nagsabi siya: 'Tunay na ang mga kasamahan nating nauna ay yumao at hindi nila tinamasa ang Mundo. Tunay na tayo at dinapuan ng yamang wala na tayong natatagpuan para rito na isang paglalagyan kundi ang lupa. Kung hindi dahil sa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa atin na manalangin ng kamatayan, talagang ipinanalangin ko na sana ito.' Pagkatapos ay pinuntahan namin siya sa ibang pagkakataon habang siya ay nagpapatayo ng isang pader. Nagsabi siya: "Tunay na ang Muslim ay talagang gagantimpalaan sa bawat bagay na ginugugol niya maliban sa bagay na inilalagay niya sa lupang ito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-Bukhārīy]
Nasaad sa ḥadīth na si Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, ay pinaso ng pitong paso (na isang paraan ng panggagamot). Pagkatapos ay pinuntahan siya ng mga kasamahan niya upang dalawin siya. Ipinabatid niya sa kanila na ang mga kasamahan na nauna sa kanila ay namatay na hindi nagtamasa ng anuman sa mga sarap ng Mundo. Iyon ay hindi magiging pambawas para sa kanila mula sa inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay. Tunay na siya ay dinapuan ng maraming yaman na hindi na siya makatagpo ng isang lugar na pag-iingatan niya nito malibang magpatayo siya sa pamamagitan nito. Nagsabi siya: "Kung hindi dahil sa ang Sugo ni Allah ay nagbawal sa atin na dumalangin ng kamatayan, talagang dumalangin na sana ako nito." Maliban sa sandali ng sigalot sa relihiyon sapagkat maaaring dumalangin sa pamamagitan ng nasaad. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang tao ay gagantimpalaan sa bawat bagay na ginugol niya maliban sa bagay na inilagay niya sa lupa." Nangangahulugan ito: sa gusali dahil ang gusali kapag kinulang sa kung ano ang makasasapat dito ay hindi nangangailangan ng malaking gugulin. Ang yamang ito na inilalagay sa gusaling kalabisan sa pangangailangan ay hindi ginagantimpalaan ang tao roon. O Allah, maliban sa gusaling ginagawa para sa mga maralita upang tirahan nila o inilalagay ang kita nito sa landas ni Allah o anumang nakakawangis niyon sapagkat ito ay ginagantimpalaan. Ngunit ang isang gusaling tinitirahan, walang gantimpala rito. Ang pagbabawal sa pagpapaso ay ukol sa sinumang naniniwala na ang kagalingan ay mula sa pagpapapaso mismo. Ang sinumang naniniwala na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay ang Tagapagpagaling, walang masama dito;. O iyon ay ukol sa may kakayahan sa ibang pagpapagamot noong nagmadali siya at hindi ginawa iyon na panghuling gamot.