عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ اللهَ يَرْضَى لَكُمْ ثَلَاثًا، وَيَكْرَهُ لَكُمْ ثَلَاثًا، فَيَرْضَى لَكُمْ: أَنْ تَعْبُدُوهُ، وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا، وَأَنْ تَعْتَصِمُوا بِحَبْلِ اللهِ جَمِيعًا وَلَا تَفَرَّقُوا، وَيَكْرَهُ لَكُمْ: قِيلَ وَقَالَ، وَكَثْرَةَ السُّؤَالِ، وَإِضَاعَةِ الْمَالِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1715]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay nalulugod para sa inyo sa tatlo at nasusuklam para sa inyo sa tatlo sapagkat nalulugod Siya para sa inyo na sumamba kayo sa Kanya at hindi kayo magtambal sa Kanya at na mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at hindi kayo magkahati-hati at nasusuklam para sa inyo sa sabi-sabi, dami ng pagtatanong, at pagsasayang ng ari-arian."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1715]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nakaiibig mula sa mga lingkod Niya ng tatlong kakanyahan at nasusuklam mula sa kanila ng tatlo. Naiibigan Niya mula sa kanila: na maniwala sila sa kaisahan Niya at hindi magtambal sila sa Kanya ng anuman; na mangunyapit sila sa kasunduan kay Allāh, sa Qur'ān at Sunnah ng Propeta Niya nang lahatan; at hindi sila magkawatak-watak sa bukluran ng mga Muslim. Kinasusuklaman Niya para sa Kanila: ang kabalbalan, ang kalabisan sa pagsasalita kaugnay sa hindi pumapatungkol sa kanila, ang pagtatanong tungkol sa hindi naganap, o ang panghihingi sa mga tao ng mga salapi nila at ng nasa mga kamay nila samantalang wala namang nanawagan doon na isang pangangailangan, ang pagsasayang ng yaman at ang paggastos nito sa hindi ayon sa mga legal na pinag-uukulan nito, at ang paghahantad nito sa pagkasira.