عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«سَبْعَةٌ يُظِلُّهُمُ اللَّهُ تَعَالَى فِي ظِلِّهِ يَوْمَ لاَ ظِلَّ إِلَّا ظِلُّهُ: إِمَامٌ عَدْلٌ، وَشَابٌّ نَشَأَ فِي عِبَادَةِ اللَّهِ، وَرَجُلٌ قَلْبُهُ مُعَلَّقٌ فِي المَسَاجِدِ، وَرَجُلاَنِ تَحَابَّا فِي اللَّهِ، اجْتَمَعَا عَلَيْهِ وَتَفَرَّقَا عَلَيْهِ، وَرَجُلٌ دَعَتْهُ امْرَأَةٌ ذَاتُ مَنْصِبٍ وَجَمَالٍ فَقَالَ: إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ، وَرَجُلٌ تَصَدَّقَ بِصَدَقَةٍ فَأَخْفَاهَا حَتَّى لاَ تَعْلَمَ شِمَالُهُ مَا تُنْفِقُ يَمِينُهُ، وَرَجُلٌ ذَكَرَ اللَّهَ خَالِيًا، فَفَاضَتْ عَيْنَاهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1423]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"May pitong maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: isang pinunong makatarungan; isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh; isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid; dalawang taong nag-iibigan alang-alang kay Allāh, na nagtitipon para sa Kanya at naghihiwalay para sa Kanya; isang lalaking inanyayahan ng isang babaing may katungkulan at karikitan ngunit nagsabi siya: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh; isang taong nagkawanggawa ng isang kawanggawa saka nagkubli niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya sa ginugugol ng kanan niya; at isang taong nakaalaala kay Allāh nang nag-iisa saka nag-umapaw ang mga mata niya [sa luha]."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1423]
Nagbalita ng nakagagalak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pitong klase ng mga mananampalataya na maglililim sa kanila si Allāh (napakataas Siya) sa lilim ng Trono Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya: A. Isang pinunong makatarungan sa sarili niya, na hindi suwail, na makatarungan sa pagitan ng nasasakupan niya, na hindi tagalabag ng katarungan samantalang siya ay tagapagtaglay ng pinakadakilang pamamahala at nauugnay sa kanya ang bawat sinumang namahala ng isang bahagi ng mga nauukol sa mga Muslim saka nagmakatarungan siya rito. B. Isang binatang lumaki sa pagsamba kay Allāh at ginugol niya ang pagkabinata niya at aktibidad niya hanggang sa pinapanaw siya ayon doon. C. Isang lalaking ang puso niya ay pinahumaling sa mga masjid kapag lumabas mula roon hanggang sa magbalik siya roon dahil sa tindi ng pagkaibig niya at dalas ng pananatili sa masjid at pagpapatuloy ng pagiging naroon, kahit pa may bumalakid sa katawan ng isang balakid habang siya ay nasa labas ng masjid. D. Dalawang taong umibig ang bawat isa sa kanilang dalawa sa isa't isa alang-alang kay Allāh nang tunay at nagtagal silang dalawa sa pag-iibigang panrelihiyon at hindi silang dalawa pumutol nito dahil sa isang balakid na makamundo, maging nagtipon man silang dalawa nang tunay o hindi, hanggang sa magpahiwalay sa pagitan nila ang kamatayan. E. Isang lalaking inakit ng isang babae sa sarili nito para gumawa ng mahalay gayong ang babaing ito ay may angkan, kamaharlikaan, kaangkanan, reputasyon, yaman, at karikitan ngunit umayaw siya at nagsabi siya rito: Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh. F. Isang taong nagkawanggawa nga ng isang kawanggawang kaunti o marami saka hindi siya nagpakitang-tao kaugnay roon bagkus nagkubli siya niyon hanggang sa hindi makaalam ang kaliwa niya ng ginugugol ng kanan niya. G. Isang taong nakaalaala kay Allāh sa puso niya dahil sa pagsasaalaala o sa dila niya dahil sa pagbanggit sa pag-iisa malayo sa mga tao saka nag-umapaw ang mga luha mula sa mga mata niya.