عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّمَا بُعِثْتُ لِأُتَمِّمَ مَكَارِمَ الْأَخْلَاقِ».
[حسن] - [رواه البخاري في الأدب المفرد وأحمد والبيهقي] - [السنن الكبرى للبيهقي: 20819]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ipinadala lamang ako upang maglubos sa mararangal sa mga kaasalan."}
[Maganda] - - [السنن الكبرى للبيهقي - 20819]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay isinugo lamang ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) upang magkumpleto sa mga kainaman at mga kagandahan ng mga kaasalan yayamang ipinadala siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pagpapalubos para sa nauna sa kanya na mga sugo at bilang pangkumpleto para sa mga magandang kaasalan ng mga Arabe. Sila ay nakaiibig sa kabutihan at namumuhi sa kasamaan, na mga may pagkalalaki, pagkamapagbigay, at kagitingan. Ipinadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para magkumpleto sa mga kakulangan na nasa mga kaasalan nila gaya ng paghahambugan nila sa mga kaangkanan, pagpapakamalaki, paghamak sa maralita, at iba pa roon.