عن أم كلثوم بنت عقبة بن أبي مُعَيط رضي الله عنها قالت: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «ليس الكذاب الذي يُصلح بين الناس فَيَنْمِي خيرًا، أو يقول خيرًا»
وفي رواية مسلم زيادة، قالت: ولم أسمعه يُرَخِّصُ في شيء مما يقوله الناس إلا في ثلاث، تعني: الحرب، والإصلاح بين الناس، وحديث الرجل امرأته، وحديث المرأة زوجها.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Umm Kulthūm bint `Uqbah bin Abī Mu`īṭ, malugod si Allah sa kanya: "Hindi palasinungaling ang nagpapakasundo sa mga tao sapagkat nagpaparating siya ng kabutihan o nagsasabi ng kabutihan." Sa isang sanaysay ni Imam Muslim ay may dagdag: Nagsabi siya: "Hindi ko narinig na nagpapahintulot ng anuman mula sa sinasabi ng mga tao na kasinungalingan maliban sa tatlo: ang digmaan at ang papagkasundo sa mga tao, ang pakikipag-usap ng lalaki sa maybahay niya, at ang pakikipag-usap ng babae sa asawa niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang orihinal na patakaran ay na ang kasinungalingan ay ipinagbabawal batay sa sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay sa kahalayan at tunay na ang kahalayan ay pumapatnubay sa Impiyerno. Hindi tumitigil ang tao na nagsisinungaling at naglalayon ng pagsisinungaling hanggang sa isulat siya kay Allah bilang isang palasinungaling." Isinalaysay ito ni Imam Muslim. Subalit hindi isinama sa pagsisinungaling ang tatlong bagay: ang pagsisinungaling para pagkasunduin ang mga tao, ang pagsisinungaling sa digmaan, at ang pakikipag-usap ng lalaki sa maybahay niya. Tungkol sa tatlong bagay na ito, nasaad sa Sunnah ang pagpapahintulot sa pagsisinungaling kaugnay sa mga ito dahil mayroon itong kabutihan na hindi nagreresulta doon ng mga kasiraan. Una. Ang pagsisinungaling ala-alang sa pagpapakasundo sa dalawang tao o dalawang liping magkatunggali: ipararating ang mabuting pananalita, isasaysay sa isa sa kanila na ang katunggali niya ay pumuri sa kanya, nagsalita ng maganda sa kanya, at bumanggit sa kanya sa magandang mga paglalarawan gayong hindi naman ito narinig mula sa kanya ngunit ang layon ay paglapitin sila at alisin ang anumang pagkainis at pagkailang. Ito ay ipinahihintulot at walang masama rito hanggat ang nilalayon ay ang pagkakasundo at ang pag-aalis sa mga kaluluwa ng anumang awayan, pagkamuhi, at pagkasuklam. Ikalawa: Ang pagsisinungaling sa digmaan: nagpapalitaw mula sa sarili ng lakas, nagsasalita ng ikatatalas ng paningin ng mga kasamahan at ipinanggugulang sa kaaway, o nagsasabi sa hukbo ng mga Muslim na ang dami ng panalangin nila ay malaking ayuda, o nagsasabi: Tingnan mo ang nasa likuran mo sapagkat si Polano ay pumanta sa iyo mula sa hulihan mo upang tirahin ka. Ito rin ay ipinahihintulot dahil sa taglay nito na malaking pakinabang sa Islam at mga Muslim. Ikatlo: Ang pagsisinungaling ng lalaki sa maybahay niya at ang kabaliktaran, tulad ng pagsasabi ng lalaki sa maybahay niya: Ikaw ay pinakamamahal ko at ang tulad mo lamang ang gugustuhin ko, at anumang kawangis nito na mga pananalitang nagbubunsod ng pagpapalagayang-loob at pag-iibigan nila. Ang babae ay magsasabi sa asawa ng tulad niyon. Ito ay ipinahihintulot din dahil sa taglay nito ng mga kabutihan. Ang pagsisinungaling sa mag-asawa ay nililimitahan sa ikapananatili ng pagpapalagayang-loob at pag-iibigan nila at pananatili ng pagsasama. Hindi ito ipinahihintulot sa lahat ng pagkakataon. Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah: "Tungkol naman sa pagsisinungaling ng lalaki sa maybahay niya at pagsisinungaling ng babae sa asawa niya, ang nilalayon nito ay ang pagpapakita ng pagmamahalan, pangakong hindi nag-oobliga, at tulad nito. Tungkol naman sa panlilinlang kaugnay sa pagkakait sa karapatan ng asawa at karapatan ng babae o sa pagkuha ng hindi naman ukol sa lalaki o ukol sa sa babae, ito ay ipinagbabawal ayon sa napagkasunduan ng mga Muslim." Mula sa Sharḥ Muslim ni An-Nawawīy (158/6). Nagsabi si Al-Ḥāfiđ, kaawaan siya ni Allah: "Napagkaisahan nila na ang nilalayon ng pagsisinungaling sa panig ng babae at lalaki ay kaugnay sa anumang hindi mag-aalis ng isang karapatan para sa lalaki o para sa babae, o ang pagkuha ng hindi ukol sa lalaki o ukol sa babae."