عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «ليس الغِنَى عن كَثرَة العَرَض، ولكن الغِنَى غنى النفس».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang yaman ay hindi sa dami ng ari-arian ngunit ang yaman ay ang yaman ng kaluluwa."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang reyalidad ng yaman ay hindi sa dami ng ari-arian. Ang yamang tunay ay ang yaman ng kaluluwa lamang. Kaya kapag nagkasya ang tao sa ibinigay sa kanya, nakuntento roon, nalugod, hindi naghangad ng dagdag, at hindi nagpupumilit sa paghiling, siya ay kabilang sa mga mayaman sa mga tao.