+ -

عن أنس رضي الله عنه قال: غاب عمي أنس بن النَّضْرِ رضي الله عنه عن قتال بدر، فقال: يا رسول الله، غِبْتُ عن أول قتال قاتلت المشركين، لئن الله أشهدني قتال المشركين لَيُرِيَنَّ الله ما أصنع. فلما كان يوم أُحُدٍ انْكَشَفَ المسلمون، فقال: اللَّهم أعْتَذِرُ إليك مما صنع هؤلاء - يعني: أصحابه - وأبرأُ إليك مما صنع هؤلاء - يعني: المشركين - ثم تقدم فاستقبله سعد بن معاذ، فقال: يا سعد بن معاذ، الجنَّة وربِّ الكعبة إنِّي أجِدُ ريحها من دونِ أُحُدٍ. قال سعد: فما استطعت يا رسول الله ما صنع! قال أنس: فوجدنا به بِضْعَا وثمانين ضربة بالسيف، أو طعنة بِرُمْح، أو رَمْيَة بسهم، ووجدناه قد قُتل ومَثَّل به المشركون فما عَرفه أحدٌ إلا أُختُه بِبَنَانِهِ. قال أنس: كنَّا نرى أو نَظُنُّ أن هذه الآية نزلت فيه وفي أشباهه: {من المؤمنين رجال صدقوا ما عاهدوا الله عليه} [الأحزاب: 23] إلى آخرها.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas, (r): "Lumiban ang tiyuhin kong si Anas bin An-Naḍr, (r), sa labanan sa Badr at nagsabi ito: O Sugo ni Allāh, lumiban ako sa unang labanang nakipaglaban ka sa mga Mushrik; talagang kung si Allāh ay nagpadalo sa akin sa pakikipaglaban sa mga Mushrik, talagang makikita nga ni Allāh ang gagawin ko. Noong araw ng [labanan sa] Uḥud, umurong ang mga Muslim kaya nagsabi siya: O Allāh, humihihingi ako ng tawad sa Iyo dahil sa ginawa ng mga ito - tinutukoy niya ang mga kasamahan niya - at nagpapahayag ako sa Iyo ng kawalang-kaugnayan sa mga ito – tinutukoy niya ang mga Mushrik. Pagkatapos ay sumulong siya at hinarap siya ni Sa`d bin Mu`ādh kaya sinabi niya: O Sa`d bin Mu`ādh, ang Paraiso, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak nito sa paanan ng Uḥud. Nagsabi si Sa`d: Ngunit hindi ko nakaya, o Sugo ni Allāh, ang ginawa niya!" Nagsabi pa si Anas: "At nakatagpo kami sa kanya ng higit sa walumpong taga ng tabak o tusok ng sibat o tama ng pana. Natagpuan namin siyang napatay na. Niluray-luray siya ng mga Mushrik kaya hindi siya nakilala ng isa man maliban sa babaing kapatid niya dahil sa dulo ng daliri niya." Nagsabi pa si Anas: "Kami noon ay nagtuturing o nagpapalagay na ang talatang ito ay ibinaba dahil sa kanya at sa mga kawangis niya: Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking tinutuo ang ipinangako nila kay Allāh, pagkatapos mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi nila binago ang pangako ng isang pagbabago, (Qur'an 33:23)"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ikinukwento ni Anas bin Mālik na si Anas bin An-Naḍr, ang tiyuhin niya, ay hindi kasama ng Sugo, (s), sa [labanan sa] Badr. Iyon ay dahil [nang naganap] ang paglusob sa Badr na dinaluhan ng Propeta, (s), siya ay hindi nagnanais makipaglaban at ninanais lamang niya ang karaban ng Quraysh na may higit sa sampung tauhan lamang at may kasama silang pitumpong kamelyo at dalawang mangangabayo at nagsasalitan sila roon. Nagsabi si Anas bin An-Naḍr sa Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, na naglilinaw rito na siya ay hindi kasama nito sa unang labanan na nakipaglan ito sa mga Mushrik. Nagsabi siya: "Talagang kung nakaabot ako sa labanan, talagang makikita sana ni Allāh ang gagawin ko." Noong naganap ang pagsalakay sa Uḥud - ito ay isang taon at isang buwan matapos ang pagsalakay sa Badr - lumahok ang mga tao at nakipaglaban kasama ng Propeta, (s). Ang pananaig sa unang bahagi ng maghapon ay sa mga Muslim, ngunit iniwan ng mga mamamana ang mga himpilan nila na pinaghimpilan sa kanila ng Propeta, (s), noong nakaharap ang kaaway gayong pinagbawalan niya sila na umalis sa mga iyon. Noong nagapi ang mga mushrik at natalo, bumaba nag ilan sa mga mamamanang iyon mula sa mga himpilang iyon. Kaya sumalakay ang dalawang mangangabayo ng mga mushrik sa mga Muslim mula sa dakong iyon at nalito sila. Umurong ang mga Muslim at may mga tumakas mula sa kanila ngunit si Anas, (r), ay sumulong sa dako ng mga Kāfir at nagsabi: "O Allāh, humihihingi ako ng tawad sa Iyo dahil sa ginawa ng mga ito," tinutukoy niya ang mga kasamahan niya, "at nagpapahayag ako sa Iyo ng kawalang-kaugnayan sa mga ito," tinutukoy niya ang mga mushrik dahil sa pakikipaglaban nila sa Propeta at mga kasama niya na mga mananampalataya. Nang sumulong si Anas, (r), sinalubong siya niy Sa`d bin Mu`ādh at tinananong siya nito: Patungo saan? Nagsabi siya: "O Sa`d, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak ng Paraiso sa paanan ng Uḥud." Ito ay damdaming makatotohanan hindi imahinasyon o kahibangan bakus bahagi ng pagpaparangal ni Allāh sa lalaking ito na naka amoy siya ng halimuyak ng Paraiso bago siya namartir. Malugod si Allāh sa kanya. Upang humayo siya at hindi umurong, sumulong siya at nakipaglaban hangang sa napatay siya, malugod si Allāh sa kanya. Nagsabi si Sa`d, malugod si Allāh sa kanya: "Ngunit hindi ko nakaya, o Sugo ni Allāh, ang ginawa niya!" Ibig sabihin: Siya, malugod si Allāh sa kanya, ay nagkaloob ng isang pagsisikap na hindi ko makakaya ang tulad niyon. Natagpuan sa katawan niya ng mahigit sa walumpong tama ng tabak, o sibat, o pana hanggang sa nagkagutay-gutay ang balat niya at walang isang makakilala sa kanya maliban sa babaing kapatid niya, na nakakilala lamang sa kanya sa pamamagitan ng daliri niya, malugod si Allāh sa kanya. Ang mga Muslim noon ay nagtuturing na si Allāh ay nagpababa dahil sa kanya at mga kawangis niya ng talatang ito: "Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking tinutuo ang ipinangako nila kay Allāh, pagkatapos mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi nila binago ang pangako ng isang pagbabago," (Qur'an 33:23) Walang duda na ito at ang mga tulad nito ay napaloloob na unang-una sa talatang ito sapagkat sila tinotoo nila nila ang ipinangako nila kay Allāh yamang nagsabi si Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Sumpa man kay Allāh, talagang makikita nga ni Allāh ang gagawin ko." Tinupad niya. Gumawa siya ng gawaing walang isang nakagagawa niyon maliban sa pinagpala ni Allāh ng tulad niyon hanggang sa namartir siya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin