عن أنس بن مالك أن رسول الله صلى الله عليه وسلم ركب فرسا، فصُرِع عنه فجُحِش شِقُّه الأيمن، فصلى صلاة من الصلوات وهو قاعد، فصلَّينا وراءه قعودا، فلما انصرف قال: إنما جُعِل الإمام ليُؤتمَّ به، فإذا صلى قائما، فصلوا قياما، فإذا ركع، فاركعوا وإذا رفع، فارفعوا، وإذا قال: سمع الله لمن حمده، فقولوا: ربنا ولك الحمد، وإذا صلى قائما، فصلوا قياما، وإذا صلى جالسا، فصلوا جلوسا أجمعون.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Malik,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sumakay sa kabayo,nahulog siya rito at nasugatan ang (kanyang katawan sa) bandang kanan,Nagdasal siya mula sa mga pagdarasal na siya ay naka-upo,nagdasal kami sa likod niya na naka-upo,at nang matapos siya,ay nagsabi;Tunay na kaya ginawa ang Imam upang sundan ito,Kapag nagdasal siya na nakatindig;magdasal din kayo na nakatindig,kapag siya ay nakayuko,yumuko din kayo,at kapag siya ay umangat,umangat din kayo,at kapag sinabi niya: Narinig ni Allah ang sinumang nagpuri sa kanya,Magsabi kayo ng; Panginoon Namin,Ang lahat ng Papuri ay sa Iyo,at kapag nagdasal siya na nakatindig,magdasal din kayo na nakatindig,at kapag nagdasal siya nang naka-upo,magdasal din kayo na naka-upo lahat.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakasakay sa kabayo at nahulog siya rito,nasugatan ang (kanyang katawan sa) bandang kanan,nagdasal siya sa mga kasamahan g Propeta mula sa mga dasal na siya ay naka-upo,At nagdasal sila sa likod niya na naka-upo,At nang matapos ang pagdarasal,Ipinahayag sa kanila ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na ang mga nagdarasal ay sumusunod sa Imam nito at sinusundan niya ito sa lahat ng bagay,Kapag ito ay nagsagawa ng Takber,siya ay magsasagawa ng Takber,at kapag ito ay yumuko,siya ay yuyuko.at kapag ito ay nagpatirapa,siya ay magpapatirapa,at kapag ito ay nagdasal na nakatindig,magdadasal siya na nakatindig din tulad niya,kapag ito ay nagdasal na naka-upo,magdadasal siya na naka-upo tulad niya,kapag pumasok siya sa pagdarasal na siya ay naka-upo,at ang Imam ay palagian,tulad ng nangyari sa mga kasamahan ng Propeta-ang lugod ni Allah ay sumakanila-sa isang araw ng mahulog siya sa kabayo nito at nasaktan ang kanyang katawan sa bandang kanan,kaya`t nagdasal siya na naka-upo,at nagdasal ang mga kasamahan niya sa likod niya na naka-upo.