+ -

عن أم عطية رضي الله عنها مرفوعاً: «لا تُحِدُّ امرأة على الميت فوق ثلاث، إلا على زوج: أربعة أشهر وعشرًا، ولا تلبس ثوبًا مَصْبُوغا إلا ثوب عَصْبٍ، ولا تكتحل، ولا تَمَسُّ طيبًا إلا إذا طهرت: نبُذة من قُسط أو أظْفَار».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Umm `Aṭīyah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi magluluksa ang isang babae sa patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot ng isang damit na tinina maliban sa damit na `aṣb, hindi siya gagamit ng kuḥl, at hindi siya hihipo ng pabango malibang kapag natapos magregla: katiting na qust o ađfār."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa ḥadīth na ito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa babae na magluksa sa isang patay nang higit sa tatlong araw dahil ang tatlong araw ay nakasasapat sa pagganap sa karapatan ng kamag-anak at sa pagpapaluwag sa kaluluwang malungkot hanggat ang patay ay hindi naman asawa niya sapagkat kailangang magluksa para roon ng apat na buwan at sampung araw bilang pagganap sa malaking karapatan niyon at bilang pangangalaga sa sarili sa mga araw ng `iddah. Ang pagluluksa ay ang pagtigil sa paggamit ng mga pampaganda gaya ng pabango, kohl, alahas, at magagandang damit sa panig ng babaing namatayan ng asawa o kaanak. Kaya naman hindi siya gagamit ng anuman doon subalit hindi isinasatungkulin ang pagluluksa maliban sa asawa. Tungkol naman sa hindi asawa, nasa kanya na kung magluluksa siya roon ng tatlong araw kung loloobin niya. Ang pagsusuot ng babaing nagluluksa ng mga damit na kinulayan hindi bilang pampaganda ay walang masama maging anumang kulay iyon. Gayon din, makagagamit siya ng feminine wash, na nag-aalis ng masagwang amoy, kapag tumigil ang regla niya. Hindi pabango ang tinutukoy sa bahaging ito ng katawan na hindi naman para sa pagpapaganda.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin