+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: كَانَ رَسُولُ اللهِ -صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ- يَقُولُ: «اللهم إني أعوذ بك من البَرَصِ، والجُنُونِ، والجُذَامِ، وَسَيِّئِ الأسْقَامِ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lbaraṣi wa -ljunūni wa -ljudhāmi wa sayyi'i -l'asqām (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an, kabaliwan, ketong, at masamang mga karamdaman)."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpapakupkop noon laban sa ilang takdang sakit. Kapag nagpakupkop ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa mga iyon, ito ay nagpapatunay sa panganib ng mga iyon at malaking epekto ng mga iyon. Nagpakupkop nga ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa isang bilang ng mga sakit sa partikular na paraan. Pagkatapos ay humiling siya ng kaligtasan at kagalingan laban sa masagwang mga sakit sa kabuuan. Kaya naman naglaman ang panalanging ito ng pagpapartikular at paglalahat bilang paghahadlang sa humihingi ng detalye at bilang paghahadlang sa mga masaklaw na pananalita. Ang paglilinaw nito: Nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an." Ito ay pamumuting lumilitaw sa katawan. Nagdudulot ito ng pag-iwas ng mga nilikha sa tao. Nagbubunga ito sa tao ng pagsosolo na maaaring mauwi sa paghihinakit. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh. Ang "kabaliwan" ay ang paglaho ng isip. Ito ay ang kinasasalalayan ng pagkakaroon ng tungkulin. Sa pamamagitan nito sumasamba ang tao sa Panginoon niya. Sa pamamagitan nito nagbubulay-bulay siya at nag-iisip-isip sa mga nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Nasaad sa pananalita Niyang dakila: Ang paglaho ng isip ay isang paglaho sa tao. Dahil dito, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Inangat ang panulat sa tatlo...sa baliw hanggang sa magkaisip ito." Ang "ketong" ay isang sakit na kumakain sa mga bahagi ng katawan hanggang sa magbagsakan ang mga ito. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh. Ito ay isang sakit na nakahahawa. Dahil dito, nasaad sa ḥadīth: "Tumakas ka sa ketongin gaya ng pagtakas mo sa leyon." Ang "masamang mga karamdaman" ay tumutukoy sa masagwang mga sakit. Ang mga ito ay ang mga kapinsalaang nagsasanhi sa tao na maging hinahamak sa mga tao at inaayawan ng kalikasan ng tao gaya ng pagkalumpo, pagkabulag, kanser, at tulad niyon dahil ang mga ito ay mga malubhang sakit na nangangailangan ng panggastos at malakas na pagtitiis na hindi makakaya maliban ng pinagtiis ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at pinatatag ang puso.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin