عن عائشة رضي الله عنها : أن رسول الله صلى الله عليه وسلم دخل عليَّ مسرورًا تبرُقُ أسارِيرُ وجهه. فقال: ألم تَرَيْ أن مُجَزِّزًا نظر آنفًا إلى زيد بن حارثة وأسامة بن زيد، فقال: إن بعض هذه الأقدام لمن بعض».
وفي لفظ: «كان مجزِّزٌ قائفًا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumasok sa akin na nagagalak, na nagniningning ang mga guhit sa noo ng mukha niya at nagsabi: "Hindi mo ba napag-alamang si Mujazziz ay tumingin kanina kina Zayd bin Ḥārithah at Usāmah bin Zayd. Tunay na ang dalawa sa mga paang ito ay galing sa ibang dalawa."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Si Zayd bin Ḥārithah noon ay maputi ang kulay at ang anak niyang si Usāmah bin Zayd naman ay kayumanggi. Ang mga tao noon ay nagdududa sa kanilang dalawa dahil sa pagkakaiba ng mga kulay nilang dalawa. Napag-uusapan nila ang katumpakan ng pagkakaugnay ni Usāmah sa ama nito, na ikinasasakit ng loob ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Naparaan sa kanilang dalawa si Mujazziz Al-Mudlijīy, ang tagabakas, noong silang dalawa ay nagtakip ng mga ulo nilang dalawa ng isang balabal at nakalabas ang mga paa nilang dalawa at nagsabi siya na tunay na ang dalawa sa mga paang ito ay galing sa ibang dalawa dahil sa nakita niya sa mga ito na pagkakahawig. Ang pananalita ng tagabakas na ito ay abot ng pandinig ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagalak siya dahil doon nang labis-labis na pagkagalak hanggang sa nakapasok siya sa silid ni `Ā’ishah habang ang mga guhit sa noo ng mukha niya ay nagniningning dala ng tuwa at saya dahil sa pagkapanatag sa katumpakan ng pagkakaugnay ni Usāmah sa ama nito at dahil sa pagpapabula sa pananalita ng mga nagsasalita laban sa mga karangalan ng mga tao nang walang kaalaman.