عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما مرفوعاً: «أن فلان بن فلان قال: يا رسول الله، أرأيت أن لو وجد أحدنا امرأته على فاحشة، كيف يصنع؟ إن تكلم تكلم بأمر عظيم، وإن سَكَتَ سَكَتَ على مثل ذلك.
قال: فسكت النبي صلى الله عليه وسلم فلم يُجبه.
فلما كان بعد ذلك أتاه فقال: إن الذي سألتك عنه قد ابتليت به. فأنزل الله عز وجل هؤلاء الآيات في سورة النور ?والذين يرمون أزواجهم...? فتلاهن عليه ووعظه وذكره. وأخبره أن عذاب الدنيا أهون من عذاب الآخرة. فقال: لا، والذي بعثك بالحق، ما كذبتُ عليها. ثم دعاها، فوعظها، وأخبرها: أن عذاب الدنيا أهون من عذاب الآخرة. فقالت: لا، والذي بعثك بالحق، إنه لكاذب. فبدأ بالرجل؛ فشهد أربع شهادات بالله: إنه لمن الصادقين، والخامسة: أن لعنة الله عليه إن كان من الكاذبين. ثم ثَنَّى بالمرأة. فشهدت أربع شهادات بالله: إنه لمن الكاذبين، والخامسة: أن غضب الله عليها إن كان من الصادقين. ثم فرق بينهما.
ثم قال: إن الله يعلم أن أحدكما كاذب فهل منكما تائب؟ -ثلاثا-»، وفي لفظ «لا سبيل لك عليها. قال: يا رسول الله، مالي؟ قال: لا مال لك: إن كنت صدقت عليها فهو بما استحللت من فرجها، وإن كنت كذبت فهو أبعد لك منها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Si Polano na anak ni Polano ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, turan mo kung sakaling natagpuan ng isa sa amin ang maybahay niya na nasa sandali ng kahalayan, papaano ang gagawin niya? Kung nagsalita siya, nagsalita siya ng isang mabigat na bagay. Kung nanahimik siya, nanahimik siya ng ayon sa tulad niyon." Nagsabi ito na nanahimik ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at hindi tumugon. Noong matapos niyon, pinuntahan nito siya at nagsabi: "Tunay na ang itinanong ko sa iyo ay dinanas ko." Kaya ibinaba ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang mga talatang ito sa Sūrah An-Nūr (Qur'ān 24:6): "Ang mga nagpaparatang sa mga maybahay nila..." Binigkas niya ang mga ito roon, pinangaralan niya iyon, pinaalalahanan niya iyon, at ipinabatid niya roon na ang parusa sa Mundo ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay ngunit nagsabi iyon: "Hindi po; sumpa man sa nagpadala sa iyo kalakip ang katotohanan, hindi ako nagsinungaling laban sa kanya." Pagkatapos ay tinawag niya [ang babaing] ito, pinangaralan niya ito, at ipinabatid niya rito na ang parusa sa Mundo ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay ngunit nagsabi ito: "Hindi po; sumpa man sa nagpadala sa iyo kalakip ang katotohanan, tunay na siya ay talagang nagsisinungaling." Nagsimula siya sa lalaki at sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga nagtatapat, at ang ikalima ay na ang sumpa ni Allāh ay matamo nito kung siya ay kabilang sa mga nagsisinungaling. Pagkatapos ay isinunod niya ang babae at sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na iyon ay talagang kabilang sa mga nagsisinungaling, at ang ikalima ay na ang galit ni Allāh ay matamo nito kung iyon ay kabilang sa mga nagtatapat. Pagkatapos ay ipinaghiwalay niya silang dalawa. Pagkatapos ay nagsabi siya nang tatlong: "Tunay na si Allāh ay nakaaalam na ang isa sa inyong dalawa ay nagsisinungaling, kaya mayroon ba sa inyong dalawang magsisisi." Sa isang pananalita: "Walang nauukol para sa iyo sa kanya." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, ang salapi ko?" Nagsabi siya: "Walang salaping ukol sa iyo. Kung ikaw ay nagtapat laban sa kanya, iyon ay dahil napahintulutan kang makipagtalik sa kanya. Kung ikaw naman ay nagsinungaling, [ang karapatang] iyon ay higit na malayo ukol sa iyo sa kanya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinatupad ng Islām ang Li`ān upang maging isang kalutasan sa isang suliraning panlipunan. Ito ay kapag nakita ng asawa ang taong gumagawa ng kahalayan sa maybahay niya at wala siyang mga saksi, tunay na siya ay gagamit ng Li`ān ngunit hindi sa sandali ng pagdududa at paghihinala bagkus kapag nakita ng mata niya mismo. Tunay na ang banta sa Li`ān ay mabigat. Ang pinatutungkulan ng kuwentong ito ay para bang siya ay nakaramdam sa asawa niya ng isang pagdududa, nangamba na masadlak ito sa kahalayan, at nalito siya sa gagawin niya dahil kung pararatangan niya ito at hindi siya makapagbigay ng isang patunay, papatawan siya ng takdang parusa; at kung manahimik naman siya, ito ay kapindehuhan at kasiraang-puri. Lumitaw ang mga kuru-kurong ito sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya hindi niya tinugon ito dahil sa pagkasuklam sa isang tanong tungkol sa kinikinitang mangyayari at dahil sa ito ay bahagi ng pagmamadali sa kasamaan at pagpapasimula nito, karagdagan pa sa pangyayaring ang Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi pa pinagsiwalatan ng anuman hinggil doon. Matapos nito, nakita ng nagtanong ang kahalayang pinangangambahan niya kaya ibinaba ni Allāh kaugnay sa kahatulan sa kanya at kahatulan sa maybahay niya ang mga talatang ito sa Sūrah An-Nūr (Qur'ān 24:6): "Ang mga nagpaparatang sa mga maybahay nila..." Binigkas ang mga ito roon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, pinaalalahanan niya iyon at pinangaralan niya iyon na kung siya ay nagsisinungaling sa paratang niya sa maybahay niya ang parusa sa Mundo - ang takdang parusa ukol sa bulaang paratang - ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay. Sumumpa ito na hindi nagsisinungaling sa paratang nito ng pangangalunya sa maybahay nito. Pagkatapos ay pinangaralan niya ang maybahay ng gayon at ipinabatid niya rito na ang parusa sa Mundo - ang takdang parusa sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagbato - ay higit na magaan kaysa sa parusa sa Kabilang-buhay. Nanumpa rin ito na ang asawa nito ay talagang kabilang sa mga nagsisinungaling. Sa sandaling iyon, sinimulan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ayon sa sinimulan ni Allāh, ang asawa, at sumaksi siya ng apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na siya ay kabilang sa mga nagtatapat sa ipinaratang niya sa maybahay, at ang ikalima ay nawa ang sumpa ni Allāh ay matamo niya kung siya ay kabilang sa mga nagsisinungaling. Pagkatapos ay isinunod ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang babae, at sumaksi siya ng apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na ang asawa ay talagang kabilang sa mga nagsisinungaling, at ang ikalima ay nawa ang galit ni Allāh ay matamo niya kung ang asawa ay kabilang sa mga nagtatapat sa paratang. Pagkatapos ay pinaghiwalay sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang pagpapahiwalay na mananatili. Yayamang ang isa sa kanila ay nagsisinungaling, nag-alok nga sa kanilang dalawa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pagbabalik-loob. Hiniling ng asawa ang bigay-kaya niya kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang bigay-kayang ibabalik sa iyo sapagkat kung ikaw ay nagtatapat laban sa paratang mo na pangangalunya niya, ang bigay-kaya ay kapalit ng pagkapahintulot sa iyong makipagtalik sa kanya sapagkat ang pakikipagtalik ay nagpapatibay sa bigay-kaya. Kung ikaw naman ay nagsinungaling laban sa kanya, [ang bigay-kayang] iyon ay higit na malayo para sa iyo sa kanya yayamang pinaratangan mo siya ng mabigat na paratang na ito.