عن سعد بن أبي وقاص رضي الله عنه مرفوعاً: «من ادعى إلى غير أبيه -وهو يعلم أنه غير أبيه-، فالجنة عليه حرام».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang mag-angkin sa hindi niya ama, samantalang siya ay nakaaalam na ito ay hindi niya ama, ang Paraiso sa kanya ay bawal."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nasaad ang ḥadīth para sa paglilinaw sa babala laban sa isang gawaing ginagawa noon ng mga tao ng Kamangmangan. Ito ay ang pag-uugnay ng kaangkanan sa hindi ama. Ang tao ay kinakailangang mag-ugnay ng kaangkanan sa mag-anak niya: sa ama niya, lolo niya, lolo ng ama niya, at nakawangis niyon. Hindi ipinahihintulot sa kanya na mag-ugnay ng kaangkanan sa hindi niya ama samantalang nalalaman niyang ito ay hindi niya ama. Halimbawa, kapag ang ama niya ay kabilang sa liping Polano at itinuturing niya na ang liping ito ay may kapintasan kung ihahambing sa ibang lipi kaya iniugnay niya ang sarili sa ibang lipi na may higit na mataas na reputasyon upang alisin sa sarili ang kapintasan ng lipi niya, ang taong ito ay binabantaan ng pagkakait ng Paraiso.