عَنْ عَلِيٍّ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ لِي رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«قُلِ اللهُمَّ اهْدِنِي وَسَدِّدْنِي، وَاذْكُرْ بِالْهُدَى هِدَايَتَكَ الطَّرِيقَ، وَالسَّدَادِ سَدَادَ السَّهْمِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2725]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Sabihin mo: O Allah, magpatnubay Ka sa akin at magtama Ka sa akin. Alalahanin mo ang patnubay bilang kapatnubayan mo sa daan at ang pagkatama bilang pagkatama ng palaso."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2725]
Nag-utos ang Propeta (s) kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na dumalangin siya kay Allah at humiling siya sa Kanya saka magsabi: "O Allah, magpatnubay Ka sa akin" at maggabay Ka sa akin at magturo Ka sa akin "at magtama Ka sa akin" at gumawa Ka sa akin bilang nagpapakatuwid sa lahat ng mga nauukol sa akin.
Ang patnubay ay ang pagkaalaman ng katotohanan sa pagdedetalye at sa pagbubuod at ang pagkatuon sa pagsunod doon sa panlabas at sa panloob.
Ang pagkatama ay ang pagkatuon at ang pagpapakatuwid sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng anumang nagiging tama sa katotohanan. Ito ay ang daang tuwid sa sinasabi, ginagawa, at pinaniniwalaan.
Dahil ang utos na moral ay lumiliwanag sa pamamagitan ng pisikal, magsaalaala ka habang ikaw ay dumadalangin ng panalanging ito na: "Ang patnubay bilang kapatnubayan mo sa daan" kaya magpadalo ka sa puso mo habang ikaw ay humihingi ng kapatnubayang gaya ng kapatnubayan ng sinumang naglakbay sapagkat tunay na siya ay hindi lumilihis palayo sa daan pakanan o pakaliwa. Iyon ay upang maligtas siya mula sa pagkawala. Sa pamamagitan niyon, magkakamit siya ng kaligtasan at makaaabot siya sa layon niya nang mabilis.
"Ang pagkatama bilang pagkatama ng palaso" sapagkat ikaw ay makapapansin sa sandali ng pagpapatamo ng palaso sa bilis ng pag-abot nito at pagtama nito sa layon sapagkat ang manunudla, kapag tumudla sa isang pakay, ay magpapatama ng palaso tungo sa pakay. Kaya gayon din, humingi ka kay Allah (t) ng nilalayon mo na pagpapatama ayon sa anyo ng palaso para ikaw, sa paghingi mo, ay maging isang tagahiling ng pagkaabot sa patnubay at pagwawakas sa pagkatama.
Magpadalo ka ng kahulugang ito sa puso mo nang sa gayon mahingi mo kay Allah ang pagkatama upang ang nilalayon mo mula roon ay maging pakikipag-anyo sa ginagamit mo sa pagtudla.