+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «اللهم إني أعوذ بك من العَجْزِ، والكَسَلِ، وَالجُبْنِ، والهَرَمِ، والبخل، وأعوذ بك من عذاب القبر، وأعوذ بك من فتنة المحيا والممات». وفي رواية: «وَضَلَعِ الدَّيْنِ، وَغَلَبَةِ الرِّجَالِ».
[صحيح] - [متفق عليه. والرواية الثانية رواها البخاري دون مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa -lkasli wa -ljubni, wa -lharami, wa -lbukhl; wa a`ūdhu bika min `adhābi -lqabri; wa a`ūdhu bika min fitnati -lmaḥyā wa -lmamāti. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan, katamaran, karuwagan, pag-uulyanin, at karamutan; nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan at laban sa pagdurusa sa Impiyerno; at nagpapakupkop sa Iyon laban sa tukso ng buhay at kamatayan.)" Sa isang sanaysay: "wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth na ito ay mga masaklaw na mga pananalita. Ito ay dahil sa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumibigkas ng mga makahulugang pananalitang masaklaw sa kakaunting pangungusap dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpakupkop kay Allāh laban sa ilan sa mga kapinsalaan at mga kasamaang bumabalakid sa pagkilos ng pagsulong ng tao tungo kay Allāh. Kaya nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa: "kawalang-kakayahan at katamaran." Ang dalawang ito ay magkasamang kabilang sa mga sumasagabal sa pagkilos at sa hindi paggawa. Ito ay alin sa dalawa: dahil sa kahinaan ng kasiglahan o pagnanais - ito ay katamaran at ang tamad ay ang pinakamahina sa mga tao sa kasiglahan at ang pinakakaunti sa kanila sa pagkaibig - o maaaring naging dahil sa kawalan ng paggawa dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao - ito ay kawalang-kakayahan. Ang "karuwagan at karamutan" ay kabilang sa pumipigil sa pagtupad sa tungkulin at sa pagmamagandang-loob. Ang karuwagan ay nagpapahina sa puso ng tao kaya naman hindi siya nag-uutos sa nakabubuti at hindi siya sumasaway sa nakasasama dahil sa kahinaan ng puso niya at pagkahumaling niya sa mga tao sa halip na sa Panginoon ng mga tao. Ang "karamutan" ay nag-aanyaya sa nagtataglay nito ng pagpipigil sa sandaling kailangang gumugol. Kaya hindi niya ibinibigay ang karapatan ng Tagapaglikha gaya ng mga zakāh ni ang karapatan ng nilikha gaya ng paggugol. Siya ay kinamumuhian sa ganang mga tao tao at sa ganang kay Allāh. Ang "pag-uulyanin" ay ang pagsapit ng tao sa pinakahamak na gulang. Ang tao, kapag umabot sa pinakahamak na gulang, ay nawawalan ng marami sa mga pandama niya. Humuhupa ang mga lakas niya kaya naman hindi niya nakakayang sumamba kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ni nakapagdudulot ng pakinabang sa mag-anak niya. Pagkatapos ay nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa pagdurusa sa libingan. Ang pagdurusa sa libingan ay totoo. Dahil dito, itinagubilin sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magpakupkop tayo kay Allāh laban sa pagdurusa roon sa bawat dasal. Pagkatapos ay nagpakupkop siya laban sa tukso ng buhay at kamatayan upang masaklaw ang dalawang tahanan. Ang tukso ng buhay ay ang mga kasawian dito at ang mga pagsubok dito. Ang tukso ng kamatayan ay ang pagkatakot para sa sarili ng kasagwaan ng wakas at kasamaan ng kahihinatnan, ng tukso ng dalawang anghel sa libingan, at ng iba pa. Sa isang sanaysay: "wa ḍala`i -ddayni wa ghalabati -rrijāl. (bigat ng utang, at panggagapi ng mga tao.)" Ang dalawang ito ay bahagi ng pananaig. Ang bigat ng utang ay ang tindi nito at ang pabigat nito kapag walang tagatulong sa kanya roon. Ito ay pananaig sa tao ngunit ayon sa karapatan. Ang "panggagapi ng mga tao" ay ang pangingibabaw nila sa kanila. Ito ay ang pananaig na walang kabuluhan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin