عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «لا يجُمَعُ بين المرأة وعمتها، ولا بين المرأة وخالتها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi pagsasamahin ang babae at ang tiyahin sa ama niya, ni ang babae at ang tiyahin sa ina niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Dumating ang Dinalisay na Batas ng Islām dala ang bawat nagdudulot ng kabutihan at kapakanan at nakidigma sa anumang nagdudulot ng kapinsalaan at katiwalian. Kabilang doon ang paghimok nito sa pagkakaayon, pag-ibig, at pagmamahalan; at pagbabawal nito sa paglalayuan, pagpuputulan ng ugnayan, at pagkamuhi. Yayamang ipinahintulot ng Tagapagbatas ang pag-aasawa ng hanggang apat dahil sa maaaring hinihiling ng mga kapakanan at ang pagkakaroon ng mga maybahay ng isang lalaki ay nagsasanhi sa kanila ng pagkasuklam at pagkamuhi dahil sa idinudulot ng panibugho, ipinagbawal Niyang pagsamahin sa pag-aasawa ang ilan sa mga babaing magkamag-anak, sa takot na magkaroon ng pagputol ng ugnayan sa pagitan ng mga kaanak. Ipinagbawal na pangasawahin ang hipag habang asawa pa ang kapatid nito, at ang tiyahin habang asawa pa ang pamangkin nito. Ang dalawang babaing kung sakaling ipagpapalagay na ang isa sa kanila ay lalaki at ang isa naman ay babae at ipinagbabawal sa kanilang mag-asawa dahil sa pagkakamag-anak, hindi rin ipinahihintulot na pangasawahin ang isa habang asawa pa ang isa. Ang ḥadīth na ito ay naglilinaw sa pagkapangkalahatan ng sabi ni Allah (Qur'ān 4:24): "Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon..."