Ang mga Ipinagbabawal sa Pag-aasawa

3Ang Talaan ng mga Ḥadīth

Ang Talaan ng mga Ḥadīth 3

Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa babaing anak ni Ḥamzah: "Hindi siya ipinahihintulot para sa akin. Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa kaangkanan. Siya ay babaing anak ng kapatid ko sa pagpapasuso."
Tunay na siya, kahit pa man hindi naging anak na panguman ko, ay hindi ipinahihintulot sa akin. Tunay na siya ay talagang anak ng kapatid ko sa pagpapasuso. Pinasuso ako at si Abū Salamah ni Thuwaybah, kaya huwag ninyong iaalok sa akin ang mga anak ninyo ni ang mga kapatid ninyo.