عَنْ مُعَاوِيَةَ الْقُشَيْرِيِّ رضي الله عنه قَالَ:
قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، مَا حَقُّ زَوْجَةِ أَحَدِنَا عَلَيْهِ؟، قَالَ: «أَنْ تُطْعِمَهَا إِذَا طَعِمْتَ، وَتَكْسُوَهَا إِذَا اكْتَسَيْتَ، أَوِ اكْتَسَبْتَ، وَلَا تَضْرِبِ الْوَجْهَ، وَلَا تُقَبِّحْ، وَلَا تَهْجُرْ إِلَّا فِي الْبَيْتِ»
[حسن] - [رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 2142]
المزيــد ...
Ayon kay Mu`āwiyah Al-Qushayrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}
[Maganda] - - [سنن أبي داود - 2142]
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung ano ang karapatan ng maybahay sa asawa niya. Kaya bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga utos. Kabilang sa mga ito:
1. Huwag kang magtangi sa sarili mo sa pagkain bukod sa kanya; bagkus pakakainin mo siya sa tuwing kumakain ka.
2. Huwag kang magtangi sa sarili mo sa pananamit at kasuutan; bagkus padadamitan mo siya kapag nagdamit ka at kapag kumita ka at nakakaya ka.
3. Huwag kang mamalo malibang dahil sa isang kadahilanan at isang pangangailangan. Kapag nangailangan sa pamamalo sa kanya para sa pagdisiplina o dahil sa pag-iwan niya sa ilan sa mga tungkulin, ang pamamalong ito ay isang pamamalong hindi makasasakit; at hindi siya papaluin sa mukha dahil ang mukha ay pinakadakila sa mga bahagi ng katawan, pinakalantad sa mga ito, at naglalaman ng mga bahaging marangal at mga organong maselan.
4. Huwag kang manlalait o magsabi: "Magpapangit nawa si Allāh sa mukha mo!" Kaya huwag kang mag-ugnay rito ni sa anuman sa katawan niya sa kapangitan na kasalungatan ng kagandahan dahil si Allāh (napakataas Siya) ay nagbigay-anyo sa mukha ng tao at katawan nito at nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Ang pagpula sa pagkalikha ay nauuwi sa pag
pula sa Tagalikha. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
5. Huwag kang mag-iwan malibang sa higaan, huwag kang lumipat palayo sa kanya, at huwag kang magpalipat sa kanya sa ibang tahanan. Marahil iyon ay kaugnay sa nakahihiratiang pagkaganap na pag-iwan sa pagitan ng asawa at maybahay.