عن عقبة بن عامر رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«أَحَقُّ الشُّرُوطِ أَنْ تُوفُوا بِهِ مَا اسْتَحْلَلْتُمْ بِهِ الْفُرُوجَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2721]
المزيــد ...
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pinakakarapat-dapat sa mga kundisyon na tuparin ninyo ay ang isinapahintulot ninyo dahil dito ang pakikipagtalik."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2721]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang higit na marapat sa mga kundisyon sa pagtupad ay ang anumang naging isang kadahilanan sa pagkapahintulot ng pagtatamasa sa babae. Ang mga ito ay ang mga kundisyong pinahihintulutan na hinihiling ng maybahay sa pagsasagawa ng kasal.