عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «رَحِمَ الله رجلا ًقام من الليل، فَصَلى وأيْقَظ امرأته، فإن أَبَتْ نَضَحَ في وَجْهِهَا الماء، رَحِمَ الله امرأة قامت من الليل، فَصَلت وأَيْقَظت زوجها، فإن أَبَى نَضَحَت في وجْهِه الماء».
[حسن] - [رواه أبو داود وابن ماجه والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig.
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang sinumang bumangon sa gabi, nagdasal, nanggising ng maybahay niya para magdasal at tumanggi ito dahil sa pananaig ng tulog at tindi ng katamaran, magwiwisik siya sa mukha nito ng kaunting tubig sapagkat ito ay karapat-dapat sa awa ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Gayon din kapag ginawa naman ng babae iyon sa asawa niya.