+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال: « رَغِمَ أنْفُ، ثم رَغِمَ أنْفُ، ثم رَغِمَ أنْفُ من أدرك أبويه عند الكِبر، أحدهما أو كِليهما فلم يدخل الجنة».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kasuklam-suklam, pagkatapos ay kasuklam-suklam, pagkatapos ay kasuklam-suklam siya na naabutan ang mga magulang niya sa katandaan ng isa sa kanilang dalawa o nilang dalawa ngunit hindi siya nakapasok sa Paraiso."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang karapatan ng mga magulang ay mabigat. Iniugnay ito ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, sa karapatan Niya na nilikha Niya alang-alang dito ang jinn at tao (Qur'ān 4:36): "Sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay gumawa ng maganda." Ipinag-utos ni Allah ang pagsamba sa Kanya. Itinagubilin Niya sa mga anak at inobliga sa kanila ang pagpapakabuti sa mga magulang nila at ang paggawa ng maganda sa kanilang dalawa sa salita at gawa. Iyon ay dahil sa pagkandili nilang dalawa sa kanila, pag-aalaga nilang dalawa, at pagpupuyat para sa ikagiginhawa nila. Ang ganti sa paggawa ng maganda ay paggawa rin ng maganda. Ang kahulugan ng ḥadīth na ito: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumalangin nang tatlong ulit laban sa sinumang nakaabot sa mga magulang niya o sa isa sa kanila ngunit hindi nakapasok sa Paraiso dahil sa kawalan ng pagpapakabuti sa mga magulang niya, paggawa ng maganda sa kanilang dalawa, pagtalima sa kanilang dalawa sa nakabubuti. Kaya ang pagtalima sa mga magulang, ang pagpapakabuti sa kanilang dalawa, at ang paggawa ng maganda sa kanila ay bahagi ng mga dahilang nagsasanggalang laban sa pagpasok sa Impiyerno. Ang pagsuway sa kanila ay kabilang sa mga dahilan ng pagpasok sa Impiyerno kung hindi siya aabutan ng awa ni Allah, pagkataa-taas Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin