عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «سبق المُفَرِّدُونَ» قالوا: وما المُفَرِّدُونَ ؟ يا رسول الله قال: « الذاكرون الله كثيرا والذاكراتِ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Nanguna ang mga nagbubukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano pa ang mga nagbubukod-tangi, o Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: "Ang mga lalaking umaalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing umaalaala."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang mga lalaking umaalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing umaalaala ay natangi sa iba sa kanila at nanguna sa mga ito sa mga gantimpala dahil sa dalas ng pagpapakaabala nila sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Sila ay nakagawa nga ng higit sa iba sa kanila kaya sila ay naging higit na nangunguna sa kabutihan. Nagsabi si Allāh: "ang mga lalaking umaalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing umaalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran at dakilang gantimpala." Ang sabi Niya: "ang mga lalaking umaalaala kay Allāh nang madalas" ay nangangahulugang: Sa higit na madalas na mga sandali, lalo na sa mga sandali ng mga panalanging nalilimitahan ng oras gaya ng sa umaga, gabi, at pagkatapos ng mga isinatungkuling ṣalāh.