+ -

عن عقبة بن عامر رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «سَتُفْتَحُ عليكم أَرَضُونَ، ويكفيكم الله، فلا يَعْجِزْ أحدكم أن يَلْهُوَ بِأَسْهُمِه».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Magbubukas sa inyo ng mga lupain at sasapat sa inyo si Allāh ngunit huwag panghinaan ang [bawat] isa sa inyo na paglibangan ang mga palaso niya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga kasamahan niya na bubuksan sa kanila ang mga bayan nang walang paglalaban at kailangan nilang huwag panghinaan sa pagsasanay sa pagtudla ng mga palaso sapagkat tunay na iyan ay kabilang sa pinakakarapat-dapat na paglibangan ng mga Muslim hanggat hindi nagpapabaya dahil rito ng isang karapatang tungkuling gampanan dahil iyon ay kabilang sa nakatutulong sa kanila sa pakikibaka sa landas ni Allāh. Iyon ay kabilang sa pinakamainam sa mga balakin at pinakamataas sa mga layunin. Ang paggamit ng katagang paglibangan ay dahil sa ang mga kaluluwa ay likas sa pagkaibig nito kaya naman ginamit ang pananalitang ito. Gayon pa man ang pinakadakilang balak sa pag-aaral nito ay ang paghahanda sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, hindi lamang paglalaro nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin