عن عقبة بن الحارث رضي الله عنه مرفوعاً: «أنه تزوج أم يحيى بنت أبي إهاب، فجاءت أَمَة سوداء، فقالت: قد أرضعتكما، فذكرت ذلك للنبي صلى الله عليه وسلم . قال: فأعرض عني. قال: فَتَنَحَّيْتُ فذكرت ذلك له. قال: كيف وقد زعمت أن قد أرضعتكما؟!».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Uqbah bin Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya: Siya ay nagpakasal kay Umm Yaḥyā bint Abī Ihāb. May dumating na isang aliping babaing itim at nagsabi: "Pinasuso ko kayong dalawa." Binanggit ko iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi ito: "Kaya bumaling siya palayo sa akin." Nagsabi ito: "Kaya dumako ako sa kabila at binanggit ko iyon sa kanya." Nagsabi siya: "Papaano na gayong nag-angkin na siya na pinasuso niya kayong dalawa?"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Napangasawa ni `Uqbah bin Al-Ḥārith si Umm Yaḥyā bint Abī Ihāb. May dumating na isang aliping babaing itim at ibinalita nito na ito ay nagpasuso kay `Uqbah at nagpasuso rin sa maybahay niya at na silang dalawa ay magkapatid dahil sa pagpapasuso. Binanggit niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sabi niyon, na iyon ay sinungaling sa pahayag niyon. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang pinupulaan ito at ang pagnanais nito na manatili sa maybahay sa kabila ng pagsaksi ng babaing aliping ito: Papaano mong magagawa iyon gayong nagsabi na ang babaing ito ng nasabi nito at sumaksi ito ayon sa nalaman nito?