عن عائشة رضي الله عنها عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «الرَّضاعة تحرم ما تحرم الولادة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Ang pagpapasuso ay nagbabawal sa [gaya ng] ipinagbabawal ng panganganak."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang mga ipinagbabawal mapangasawa sa mga babae dahil sa pagkakamag-anak gaya ng ina at babaing kapatid ay ipinagbabawal ang tulad nito dahil sa pagpapasuso gaya ng ina sa pagpapasuso at babaing kapatid sa pagpapasuso. Dahil dito, nasaad sa ibang ḥadīth: "Ipinagbabawal dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal dahil sa pagkakamag-anak. Magkatulad sa panig ng maybahay man o sa panig ng asawa. Kaya ang lahat ng ipinagbabawal mapangasawa ng lalaki sa mga babaing malapit sa kanya dahil sa pagkakamag-anak gaya ng babaing kapatid niya, tiyahin sa ina niya, at tiyahin sa ama niya, bawal sa kanya na mapangasawa ang mga ito kapag ang pagkakaugnay nila ay dahil sa pagpapasuso. Gayon din sa maybahay, ipinagbabawal sa kanya na mapangasawa ang anak niya, ang lalaking kapatid niya, ang tiyuhin sa ama niya, at ang tiyuhin sa ina niya. Gayon din, ipinagbabawal sa kanya na mapangasawa ang mga ito kapag sila ay dahil sa pagpapasuso. Ang uri ng pagbabawal ay ang pagbabawal sa pag-aasawa. Ang paglaganap ng pagkabawal ay sa pagitan ng pinasuso at mga anak ng nagpasuso. Ang paghahanay sa kanila sa hanay ng mga kamag-anak ay sa pagpapahintulot sa pagtingin, pakipagsarilinan, at paglalakbay, hindi sa natitirang mga panuntunan gaya ng pagmamanahan, pagkatungkulin, at tulad niyon. Pagkatapos, ang pagbabawal na nabanggit ay sa pagsasaalang-alang sa nagpasuso sapagkat tunay na ang mga kaanak niya ay mga kaanak ng pinasuso. Ang mga kaanak ng pinasuso naman, maliban pa mga anak nito, ay walang kaugnayan sa pagitan nila at ng nagpasuso kaya naman walang napagtitibay para sa kanila na anuman mula sa mga patakaran.