+ -

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه أن نبي الله صلى الله عليه وسلم قال: «كان فيمن كان قبلكم رجل قتل تسعة وتسعين نفسًا، فسأل عن أعلم أهل الأرض، فَدُلَّ على راهب، فأتاه فقال: إنه قتل تسعة وتسعين نفسا فهل له من توبة؟ فقال: لا، فقتله فكمَّل به مئة، ثم سأل عن أعلم أهل الأرض، فَدُلَّ على رجل عالم، فقال: إنه قتل مائة نفس فهل له من توبة؟ فقال: نعم، ومَنْ يَحُولُ بينه وبين التوبة؟ انْطَلِقْ إلى أرض كذا وكذا فإن بها أناسا يعبدون الله تعالى فاعبد الله معهم، ولا ترجع إلى أرضك فإنها أرض سوء، فانطلق حتى إذا نَصَفَ الطريقَ أتاه الموت، فاختصمت فيه ملائكة الرحمة وملائكة العذاب، فقالت ملائكة الرحمة: جاء تائبا، مُقْبِلا بقلبه إلى الله تعالى ، وقالت ملائكة العذاب: إنه لم يعمل خيرا قط، فأتاهم ملك في صورة آدمي فجعلوه بينهم -أي حكمًا- فقال: قِيسُوا ما بين الأرضين فإلى أَيَّتِهِمَا كان أدنى فهو له، فقاسوا فوجدوه أدنى إلى الأرض التي أراد، فقبضته ملائكة الرحمة». وفي رواية في الصحيح: «فكان إلى القرية الصالحة أقرب بشبر فجعل من أهلها». وفي رواية في الصحيح: «فأوحى الله تعالى إلى هذه أن تَبَاعَدِي، وإلى هذه أن تَقَرَّبِي، وقال: قيسوا ما بينهما، فوجدوه إلى هذه أقرب بشبر فغُفِرَ له». وفي رواية: «فَنَأَى بصدره نحوها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: "Sa mga nauna sa inyo noon ay may isang lalaki noon na pumatay ng siyamnapu't siyam na tao. Nagtanong siya tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan siya sa isang monghe. Pinuntahan niya ito. Nagsabi siya: 'Tunay na siya ay nakapatay ng siyamnapu't siyam na tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?' Nagsabi ito: 'Wala na.' Pinatay niya ito at nakabuo siya dahil dito ng isang daan. Pagkatapos ay nagtanong siya tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan siya sa isang lalaking nakaaalam. Nagsabi siya: 'Tunay na siya ay nakapatay ng isang daang tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?' Nagsabi ito: 'Oo; at sino naman ang humahadlang sa pagitan niya at ng pagbabalik-loob? Humayo ka sa lupang iyan at iyon sapagkat tunay na doon ay may mga taong sumasamba kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at sambahin mo si Allāh kasama nila. Huwag kang bumalik sa lupain mo sapagkat tunay na iyon ay lupain ng kasamaan.' Humayo siya hanggang sa nang nakalahati niya ang daan ay dinatnan siya ng kamatayan. Nagtalo hinggil sa kanya ang mga anghel ng awa at ang mga anghel ng pagdurusa. Nagsabi ang mga anghel ng awa: 'Pumunta siyang nagbabalik-loob, na nagtutuon ng puso niya kay Allāh, pagkataas-taas Niya.' Nagsabi ang mga anghel ng pagdurusa: 'Tunay na siya hindi nakagawa ng kabutihan kailanman.' Pinuntahan sila ng isang anghel na nasa anyo ng isang tao at ginawa nila itong isang tagahatol sa pagitan nila. Nagsabi ito: 'Sumukat kayo sa pagitan ng dalawang lupain at kung sa alin sa dalawa siya higit na malapit, siya ay ukol doon.' Sumukat sila at natagpuan nilang siya ay higit na malapit sa lupaing ninais niya kaya dinampot siya ng mga anghel ng awa." Sa isang sanaysay sa Aṣ-Ṣaḥīḥ: "at siya sa nayong matuwid ay higit na malapit ng isang dangkal kay ginawa siyang kabilang sa mga naninirahan doon." Sa isang sanaysay sa Aṣ-Ṣaḥīḥ: "kaya kinasihan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ito na makipaglayo at iyon na magpakalapit at sinabi: 'Sukatin ninyo ang nasa pagitan dalawa,' at natagpuan nilang ito ay higit na malapit doon ng isang dangkal kaya nagpatawad Siya rito." Sa isang sanaysay: "kaya inilayo ang dibdib niya sa dakong iyon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Sa isang kalipunang kabilang sa mga kalipunan bago sa atin noon ay may isang lalaking pumatay ng siyamnapu't siyam na tao. Pagkatapos siya ay nagsisi at nagtanong tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa upang tanungin ito kung mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob? Pinatnubayan siya sa isang lalaki at natagpuan niyang isang mananamba ito subalit wala itong kaalaman. Kaya noong tinanong niya ito na siya ay nakapatay ng siyamnapu't siya na tao at kung mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob, minabigat ng monghe ang pagkakasalang ito at sinabi: "Wala kang pagbabalik-loob!" Nagalit ang lalaki. Nabagabag siya at pinatay niya ang monghe. Kaya nalubos niya dahil dito ang isang daang kaluluwa. Pagkatapos tunay na siya ay nagtanong na naman tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan naman siya sa isang lalaking nakaaalam. Nagsabi siya rito: "Tunay na siya ay nakapatay ng isang daang tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?" Nagsabi ito: "Oo; at sino naman ang humahadlang sa pagitan niya at ng pagbabalik-loob? Ang pintuan ng pagbabalik ay nakabukas subalit pumunta ka sa nayong polano sapagkat tunay na doon ay may mga taong sumasamba kay Allāh." Ang lupaing kinaroroonan niya dati ay para bang iyon - si Allāh ay higit na nakaaalam - ay tahanan ng kawalang-pananampalataya kaya inutusan siya ng nakaaalam na ito na lumikas dahil sa pananampalataya niya sa nayong ito na sinasamba dito si Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya. Kaya umalis siya na nagbabalik-loob, na nagsisisi, na lumilikas dahil sa pananampalataya patungo sa lupaing may mga taong sumasamba kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Sa kalagitnaan ng daan, dinatnan siya ng kamatayan kaya nagtalo hinggil sa kanya ang mga anghel ng pagdurusa at ang mga anghel ng awa. Nagsasabi ang mga anghel ng awa: "Tunay na siya ay nagbalik-loob at pumuntang nagsisisi at nagbabalik-loob." Naganap sa pagitan nila ang pagtatalo kaya nagpadala si Allāh sa kanila ng isang anghel upang humatol sa pagitan nila. Nagsabi ito: "Sumukat kayo sa pagitan ng dalawang lupain at kung sa alin sa dalawa siya higit na malapit, siya ay kabilang sa mga naninirahan doon. Kung ang lupain ng kawalang-pananampalataya ay higit na malapit sa kanya, ang mga anghel ng pagdurusa ay kukuha sa kaluluwa niya; at kung ang lupain ng pananampalataya ay higit na malapit, ang mga anghel ng awa ay kukuha sa kaluluwa niya." Sinukat nila ang pagitan ng dalawang bayan at biglang ang bayang pinatutunguhan niya - ang bayan ng pananampalataya - ay higit na malapit ng isang dangkal - isang distansiyang malapit - kaysa sa bayang nilisan niya kaya kinuha siya ng mga anghel ng awa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin