+ -

عن عائشة رضي الله عنها قالت: صلى رسول الله صلى الله عليه وسلم في بيته وهو شَاكٍ، صلى جالسا، وصلى وراءه قوم قِيَامًا، فأشار إليهم: أنِ اجْلِسُوا، لما انْصَرَفَ قال: إنما جُعِلَ الإمامُ لِيُؤْتَمَّ به: فإذا ركع فاركعوا، وإذا رفع فارفعوا، وإذا قال: سمع الله لمن حمده فقولوا: ربنا لك الحمد، وإذا صلى جالسا فصلوا جلوسا أجمعون».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bahay niya na siya ay may sakit,Nagdasal siyang naka-upo,habang nagdasal sa likod niya ang mga tao na nakatindig,nagsenyas siya sa kanila; na maupo sila,At nang matapos [ang pagdarasal] Nagsabi siya: Kaya ginawa ang Imam upang ito ay sundan,Kapag siya ay yumuko,yumuko kayo,at kapag siya ay umangat,umangat kayo,At kapag sinabi niyang:"Naway dinggin ni Allah ang pumupuri sa Kanya" Sabihin ninyong:"Panginoon namin,Saiyo ang lahat ng papuri",At kapag ito ay nagdasal na nakaupo,magdasal din kayong lahat na naka-upo))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hadith na ito ay [naisalaysay] ang pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naka-upo dahil sa sakit niya,at dito ay pagpapahayag sa paglalarawan ng paggaya sa Imam at pagsunod nito sa kanya.Tunay na nagpatnubay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga mananampalataya sa layunin ng pagtatalaga sa Imam,ito ay upang gayahin at sundin.Hindi nararapat na siya ay salungatin sa mga gawaing pagdarasal,datapuwat ay nararapat lamang na pangalagaan [ang pagsunod sa mga] galaw niya [batay sa magandang] pamamaraan,Kapag siya ay nagsagawa ng Takbiratul Ihram,Gayundin kayo ay magsagawa ng Takbiratul Ihram,at kapag siya ay yumuko,yumoko din kayo pagkatapos niya,At kapag ipinaalala niya sa inyong Tunay na si Allah ay tumutugon sa mga pumupuri sa Kanya,tulad ng pagsabi niyang: "Naway dinggin ni Allah ang pumupuri sa kanya" Purihin ninyo si Allah sa pagsasabi ninyo ng: "Panginoon namin Saiyo ang lahat ng Papuri".At kapag nagpatirapa siya,sundan ninyo siya at magpatirapa kayo,At kapag nagdasal siya na naka-upo dahil sa kawalan ng kakayahan niya sa pagtayo-bilang pagtupad sa salitang pagsunod-Magdasal din kayo na naka-upo,kahit na kayo ay may kakayahan sa pagtayo,Binanggit ni `Ā'ishah-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagreklamo sa kanyang sakit,nagdasal siya na nakaupo,ngunit inakala ng mga kasamahan niya na nararapat silang tumayo dahil mayroon silang kakayahan rito,kaya nagdasal sila sa likod niya na naatayo,at nagsenyas siya sa kanila na umupo sila.At nang matapos sila sa pagdarasal,nangaral siya sa kanila;na ang Imam ay hindi dapat salungatin,datapuwat ,nararapat lamang na siya ay dapat gayahin,upang maipasatupad ang ganap na pagsunod at ganap na paggaya.kaya nararapat lamang na magdasal ang mga Ma`mum na nakaupo kahit na sila ay may kakayahan sa pagtayo,ito ay dahil sa pag-upo ng Imam na walang kakayahan [sa pagtayo].At ito ay kapag sinimulan niya sa kanila ang pagdarasal na nakaupo,magdarasal ang nasa likod niya na nakaupo,ngunit kapag sinimulan sa kanila ng nakatalagang Imam-ang pagdarasal na siya ay nakatayo,pagkatapos ay bigla siyang nagkasakit sa mga oras na ito,at umupo siya,[nararapat na] ipagpatuloy ng nasa likod niya ang [pagdasal na] na nakatayo,na inoobliga.Bilang pagpapatupad sa Hadith na pamamaraan ng pagdarasal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abe Bakar at sa mga tao, nang siya ay magkasakit,nang sakit na nakakamatay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Portuges
Paglalahad ng mga salin