عن عبد الله بن عُمر رضي الله عنهما قال: «صحبت رسول الله صلى الله عليه وسلم فكان لا يزيد في السَّفَر على ركعتين، وأبا بكر وعُمر وعُثْمان كذلك».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-siya ay nagsabi: ((Nakasama ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay hindi nagdadagdag sa dalawang tindig ,sa kanyang paglalakbay At gayundin sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binabanggit ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-na nakasama niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga paglalakbay niya,at gayundin ,nakasama niya sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman-malugod si Allah sa kanila-At ang bawat isa sa kanila ay pinapa-ikli ang dasal na may apatang tindig at [ginagawa] itong dalawahan,at hindi na sila nagdadagdag pa rito,Ibig sabihin ,Ang bawat isa sa kanila ay hindi nila kinokompleto [sa apatang tindig] ang mga dasal na isinasatungkulin at hindi rin sila nagdadasal ng mga Sunnah Arrawatib [kapag sila ay nasa ] paglalakbay,At binanggit niya sina Abu Bakar,`Umar,at `Uthman,upang patunayan na ang Panuntunang ito ay hindi nawala,datapuwat ito ay nananatili pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at walang sinasang-ayunang [ibang salita ] na sumasalungat dito,Ngunit ipinapahintulot ang pagkompleto [ng tindig sa pagdarsal] sa paglalakbay,ngunit ang pagpapa-ikli ay higit na mainam,Dahil sa pagsabi Niya-Pagkataas-taas Niya: {Hindi isang kasalanan sa inyo kung inyong paikliin ang inyong pagdarsal} Nawala ang pagkakasala,kaya nagpapahiwatig ito na Sunnah,at hindi inoobliga,At dahil ang unang panuntunan rito ay ang pagkompleto,at ang pagpapaikli ay ginaganap mula sa bagay na mas mahaba rito,At ang pinakamainam para sa mga manlalakbay ay huwag iwan ang pagpapaikli,bilang pagsunod sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at bilang pagtaliwas sa pagsalungat sa sinumang nag-obliga sa kanya nito,At dahil din sa ito ang pinakamainam ayon sa karamihan ng mga may kaalaman.