عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه قال: خَسَفَت الشمس على زمان رسول الله صلى الله عليه وسلم . فقام فَزِعًا، ويخشى أن تكون الساعة، حتى أتى المسجد، فقام، فصلى بأطول قيام وسجود، ما رأيته يفعله في صلاته قطُّ، ثم قال: إن هذه الآيات التي يُرْسِلُهَا الله عز وجل : لا تكون لموت أحد ولا لحياته، ولكن الله يُرْسِلُهَا يُخَوِّفُ بها عباده، فإذا رأيتم منها شيئا فَافْزَعُوا إلى ذكر الله و دُعَائِهِ وَاسْتِغْفَارِهِ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Musa Al-Ash-Arie malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:Nag-eklips ang araw noong panahon ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napatayo siya na nasisindak,natakot siya na dumating na ang huling sandali,hanggang sa dumating siya sa masjid at tumayo siya,nagdasal ng may pinakamahabang pagtayo at pagpapatirapa,na hindi ko nakita sa dasal niya kailanman,pagkatapos ay nagsabi siya:Tunay na ang mga tanda na ito na ipinadadala ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,ay hindi dahil sa kamatayan ng isang tao o dahil sa pagkabuhay niya,bagkus ipinadadala ni Allah ang mga ito upang gisingin ang takot sa pamamagitan nito ng mga lingkod niya,kaya`t kapag nakakita kayo mula rito ng anuman,magmadali kayo sa pag-alala kay Allah,pagdalangin sa kanya at paghingi ng tawad sa kanya.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nang mawala ang sikat ng araw o ilan sa mga ito,sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,tumayo siya na nasisindak,dahil sa ganap na kaalaman nito sa Panginoon niya-Pagkataas-taas Niya,Na siyang nag-obliga sa kanya upang maging masyadong matakotin at sobrang mapag-matiyag.Dahil sa pagka-ligaw ng karamihang tao sa Mundo at mapag-mataas nila,o ang Takdang Oras ng pag-ihip sa Tambuli ay mangyayari na,Kaya`t pumasok siya sa Masjid at nagdasal sa mga tao ng Dasal sa Eklips,pinataas niya sa taas na hindi pa nagawa noon,bilang pagpapakita ng pagbabalik-loob at pagsisisi;At nang matapos ang Propeta mula sa pagsusumamo niya sa Panginoon nito at paghiling nito,humarap siya sa mga tao at pinayuhan sila,at ipinaliwanag sa kanila na ito ay mga palatandaan na ipinadala ni Allah upang magsilbing aral sa mga lingkod niya,at bilang pag-alala at paggising sa pagkatakot nila,upang magmadali sila sa pagdalangin at paghingi ng tawad,at pag-alala at pagdasal.