+ -

عن خَوْلَةَ بِنْتَ حَكِيمٍ السُّلَمِيَّةَ قَالتْ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«مَنْ نَزَلَ مَنْزِلًا ثُمَّ قَالَ: أَعُوذُ بِكَلِمَاتِ اللهِ التَّامَّاتِ مِنْ شَرِّ مَا خَلَقَ، لَمْ يَضُرَّهُ شَيْءٌ حَتَّى يَرْتَحِلَ مِنْ مَنْزِلِهِ ذَلِكَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2708]
المزيــد ...

Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm As-Sulamīyah na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2708]

Ang pagpapaliwanag

Gumagabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya tungo sa pangungunyapit at pagdulog na nagpapakinabang na naitutulak sa pamamagitan nito ang bawat pinangingilagang pinangangambahan ng tao kapag nanuluyan siya sa isang lugar sa lupa, maging ito man ay sa isang paglalakbay o isang pamamasyal o iba pa rito. Ito ay sa pamamagitan ng pangungunyapit at pagdulog sa mga lubos na salita ni Allāh sa kainaman ng mga ito, pagpapala ng mga ito, pagpapakinabang ng mga ito, na malaya sa bawat kapintasan at kakulangan, laban sa kasamaan ng bawat nilikha na may kasamaan, para matiwasay sa tuluyan niyang iyon, hanggat nananatili roon, laban sa bawat anumang nakapeperhuwisyo.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghiling ng pagkupkop ay isang pagsamba. Ito ay sa pamamagitan ni Allāh (napakataas Siya) o sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
  2. Ang pagpayag sa paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng salita ni Allāh dahil ito ay isang katangian kabilang sa mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya), na salungat sa paghiling ng pagkupkop sa alinmang nilikha sapagkat iyon ay Shirk.
  3. Ang kainaman ng panalanging ito at ang pagpapala nito.
  4. Ang pagpapasanggalang sa mga dhikr ay isang kadahilanan ng pagsanggalang sa tao laban sa mga kasamaan.
  5. Ang pagpapawalang-saysay sa paghiling ng pagkukupkop sa iba pa kay Allāh gaya ng mga jinn, mga manggagaway, mga manunuba, at iba pa sa kanila.
  6. Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito para sa sinumang nanuluyan sa isang lugar sa panahon ng paninirahan o paglalakbay.