عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤمنينَ رضي الله عنها قَالَتْ:
دَخَلَ عَلَيَّ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَقَدْ سَتَرْتُ سَهْوَةً لِي بِقِرَامٍ فِيهِ تَمَاثِيلُ، فَلَمَّا رَآهُ هَتَكَهُ وَتَلَوَّنَ وَجْهُهُ وَقَالَ: «يَا عَائِشَةُ، أَشَدُّ النَّاسِ عَذَابًا عِنْدَ اللهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ الَّذِينَ يُضَاهُونَ بِخَلْقِ اللهِ» قَالَتْ عَائِشَةُ: «فَقَطَعْنَاهُ فَجَعَلْنَا مِنْهُ وِسَادَةً أَوْ وِسَادَتَيْنِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2107]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nagtabing ako ng isang estante ko na may isang kurtinang may mga imahen. Kaya noong nakita niya iyon, pinunit niya ito. Nag-ibang-kulay ang mukha niya at nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya pinutol namin ito at gumawa kami mula rito ng isang unan o dalawang unan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2107]
Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) saka natagpuan niya ito na nagtabing nga sa maliit na lagayan, na pinaglalagyan ng mga bagay-bagay, na may isang tela rito na may mga larawan ng mga may kaluluwa kaya nag-iba ang kulay ng mukha niya dala ng pagkagalit para kay Allāh. Inalis niya ito at sinabi: "Ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nakikiwangis sa pamamagitan ng mga paglalarawan nila sa nilikha nila." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya gumawa kami rito ng isang unan o dalawang unan."