+ -

عن أبي ذر رضي الله عنه قال: كنت أمشي مع النبي صلى الله عليه وسلم في حَرَّةٍ بالمدينة، فاستقبلنا أُحُدٌ، فقال: «يا أبا ذر» قلت: لبيك يا رسول الله. فقال: «ما يَسُرُّنِي أن عندي مثل أُحُدٍ هذا ذهبًا تمضي علي ثلاثة أيام وعندي منه دينارٌ، إلا شيء أرصده لِدَيْنٍ، إلا أن أقولَ به في عباد الله هكذا وهكذا وهكذا» عن يمينه وعن شماله ومن خلفه، ثم سار، فقال: «إن الأكثرين هم الأَقَلُّونَ يوم القيامة إلا من قال بالمال هكذا وهكذا وهكذا» عن يمينه وعن شماله ومن خَلفه «وقليل ماهم». ثم قال لي: «مكانك لا تَبْرح حتى آتيك» ثم انطلق في سوادِ الليل حتى تَوارى، فسمعت صوتًا، قد ارتفع، فَتَخَوَّفْتُ أن يكون أحدٌ عَرض للنبي صلى الله عليه وسلم فأردت أن آتيه فذكرت قوله: «لا تَبْرَحْ حتى آتيك» فلم أبْرَحْ حتى أتاني، فقلت: لقد سمعت صوتًا تَخَوَّفْتُ منه، فذكرت له، فقال: «وهل سمعته؟» قلت: نعم، قال: «ذاك جبريل أتاني فقال: من مات من أُمتك لا يُشرك بالله شيئًا دخل الجنة»، قلت: وإن زنى وإن سرق؟ قال: «وإن زنى وإن سرق».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Naglalakad ako noon kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang batuhan sa Madīnah at tumunghay sa amin ang Uḥud kaya nagsabi siya: "O Abū Dharr." Nagsabi ako: "Bilang pagtugon sa iyo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Hindi magpapagalak sa akin na mayroon akong tulad ng Uḥud na ito na ginto, na lilipas sa akin ang tatlong araw samantalang mayroon pa akong isang dinar mula rito, bukod pa sa isang bagay na inilalaan ko para sa isang utang, malibang nagugol ko ito sa mga lingkod ni Allah, nang ganito, ganyan, at ganoon," [na tumuturo] sa dakong kanan niya, sa dakong kaliwa niya, at sa dakong likuran niya. Pagkatapos ay umusad siya at nagsabi: "Tunay na ang mga pinakamarami ay ang mga pinakakaunti sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa gumugol ng salapi nang ganito, ganyan, at ganoon, sa dakong kanan niya, sa dakong kaliwa niya, at sa dakong likuran niya; ngunit kakaunti sila." Pagkatapos ay nagsabi siya sa akin: "Sa kinalalagyan mo ay huwag kang umalis hanggang sa pumunta ako sa iyo." Pagkatapos ay lumisan siya sa kadiliman ng gabi hanggang sa naglaho siya. Nakarinig ako ng isang tinig na tumaas nga kaya kinabahan ako na may isang humarang sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ninais kong puntahan siya ngunit naalaala ko ang sabi niya: "Huwag kang umalis hanggang sa pumunta ako sa iyo." Kaya hindi ako umalis hanggang sa pumunta siya sa akin at nagsabi ako sa kanya: "Talaga ngang nakarinig ako ng isang tinig na nangamba ako roon at binanggit ko sa kanya." Nagsabi siya: "Narinig mo ba iyon?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay si Gabriel; pinuntahan niya ako at nagsabi: 'Ang sinumang namatay kabilang sa Kalipunan mo na hindi nagtatambal kay Allah ng anuman ay papasok sa Paraiso.'" Nagsabi ako: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya?" Nagsabi siya: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Nagpapabatid si Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na naglalakad siya noon kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang purok na may mga batong itim sa Madīnah at tumunghay sa kanila ang Uḥud, ang kilalang burol, kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kung sakaling nangyaring mayroon akong tulad ng Uḥud na ginto, hindi magpapagalak sa akin na lilipas sa akin ang tatlong araw samantalang mayroon pa akong anuman mula rito, bukod pa sa anumang inilalaan ko para sa isang utang." Nangangahulugan ito: "Kung sakaling nangyaring nagmamay-ari ako ng yaman na kasing laki ng Uḥud na lantay na ginto, talagang gugulin ko ang lahat ng ito sa landas ni Allah at walang matitira sa akin mula roon maliban sa halagang kakailanganin ko sa pagtugon sa mga tungkulin at pagbabayad sa mga utang na pananagutan ko. Ang anumang lumabis doon, tunay na hindi magpapagalak sa akin na lilipas sa akin ang tatlong araw habang mayroon akong anuman mula roon. Ito ay nagpapatunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at ang mag-anak niya at pangalagaan, ay kabilang sa pinakamalayo sa mga tao ang loob sa kamunduhan dahil siya ay hindi nagnanais na magkamal ng salapi bukod pa sa halagang inilalaan niya para sa utang. Pumanaw nga ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang ang kalasag niya ay nakasangla sa isang Hudyo dahil sa trigong ipinangutang niya para sa mag-anak niya. Kung sakaling nangyaring ang kamunduhan ay kaibig-ibig kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, hindi sana Niya pinagkaitan niyon ang Propeta Niya, pagpalain siya at pangalagaan. "Ang Mundo ay isinumpa: isinumpa ang anumang nasa loob nito maliban sa pag-alaala kay Allah, sa anumang tumangkilik sa Kanya, sa nakaaalam, at sa natututo," at sa anumang sa pagtalima kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tunay na ang mga pinakamarami ay ang mga pinakakaunti sa Araw ng Pagkabuhay..." Nangangahulugan ito: "Ang mga nagpaparami ng kamunduhan ay ang mga nangangaunti sa mga gawang matuwid sa Araw ng Pagkabuhay dahil ang madalas sa sinumang dumami ang yaman niya sa Mundo ay kadalasang ang pag-aakala ng kasapatan, ang pagmamalaki, at ang pag-ayaw sa pagtalima kay Allah dahil ang Mundo ay nagpapalingat sa kanya kaya naman siya ay nagpaparami sa ukol Mundo at nagpapakaunti sa ukol sa Kabilang-buhay. Ang sabi niya: "maliban sa gumugol ng salapi nang ganito, ganyan, at ganoon..." Nangangahulugan ito: "Kaugnay sa salapi at paggugol nito sa landas ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan." Pagkatapos ay nagsabi siya: "ngunit kakaunti sila." Ang kahulugan ay na ang gumugugol ng salapi alang-alang sa landas ni Allah, sila ay kakaunti. Pagkatapos ay nagsabi: "Ang sinumang namatay kabilang sa Kalipunan mo na hindi nagtatambal kay Allah ng anuman ay papasok sa Paraiso...Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya." Ito ay hindi nangangahulugang ang pangangalunya at ang pagnanakaw ay madaling kasalanan, bagkus mahirap na kasalanan. Dahil dito, itinuring ito na mabigat ni Abū Dharr. Nagsabi siya: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya?" Nagsabi naman ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya." Iyon ay dahil sa ang sinumang namatay sa pananampalataya habang mayroon siyang mga pagsuway na kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala, tunay na si Allah naman ay nagsasabi (Qur'ān 4:48): "Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit mapatatawad Niya ang anumang mababa pa roon sa kaninumang loloobin Niya..." Maaaring magpaumanhin si Allah sa kanya at hindi siya parusahan at maaaring parusahan siya subalit kung parurusahan man siya, ang patutunguhan niya naman ay sa Paraiso dahil ang bawat sinumang hindi nagtatambal kay Allah at hindi nakagawa ng anumang nagpapaalis sa pananampalataya, tunay na ang patutunguhan niya ay sa Paraiso. Ang sinumang gumawa naman ng nagpapaalis sa pananampalataya, ito ay pananatilihin sa Impiyerno at ang gawa niya ay nawawalan ng kabuluhan dahil ang mga nagpapanggap ng pananampalataya ay nagsasabi noon sa Sugo, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga (Qur'ān 63:1): "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allah." Sila noon ay bumabanggit kay Allah, subalit si Allah ay hindi bumabanggit sa kanila malibang madalang, at nagdarasal subalit (Qur'ān 4:142): "Kapag tatayo sila para sa pagdarasal, tumatayo sila bilang mga tamad..." Sa kabila niyon, sila ay mapupunta sa pinakamababang kalaliman ng Impiyerno. Nagpatunay ito sa paglalayo ng loob sa kamunduhan, na ang tao ay hindi nararapat na magkapit ng sarili niya roon, at na ang Mundo ay dapat nasa kamay niya hindi nasa puso niya nang sa gayon ay magtuon siya ng puso niya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sapagkat tunay na ito ay kalubusan ng paglalayo ng loob sa kamunduhan. Hindi ito nangangahulugang ikaw ay hindi kukuha ng anuman mula sa Mundo, bagkus kumuha ka mula sa Mundo ng ipinahihintulot sa iyo at huwag mong kalimutan ang bahagi mo roon subalit ilagay mo iyon sa kamay mo at huwag mong ilagay iyon sa puso mo. Ito ay ang mahalaga.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges Swahili
Paglalahad ng mga salin