عن عائشة رضي الله عنها ، قالت: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم وَهُوَ مُسْتَنِدٌ إلَيَّ، يَقُولُ: «اللَّهُمَّ اغْفِرْ لِي وارْحَمْنِي، وأَلْحِقْنِي بالرَّفِيقِ الأَعْلَى».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay nakasandal sa akin na nagsasabi: O Allah, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, at isama Mo ako sa Kasamang Kataas-taasan."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Noong nalapit na ang taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sumandal siya sa Ina ng mga Mananampalataya malugod si Allah sa kanya habang siya ay humihiling sa Panginoon niya na isama siya sa Kasamang Kataas-taasan at sila ay ang mga propeta, ang mga tapat, ang mga martir, at ang mga matuwid.