عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه كَانَ إذا خَافَ قوماً، قالَ: «اللَّهُمَّ إنَّا نَجْعَلُكَ في نُحُورِهِمْ، وَنَعُوذُ بِكَ مِنْ شُرُورِهِمْ».
[إسناده صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nangamba siya noon sa ilang tao, ay nagsasabi: "Allāhumma innā naj`aluka fī nuḥūrihim wa na`ūdhu bika min shurūrihim (O Allah, tunay na kami ay naglalagay sa Iyo sa mga leeg nila at nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan nila)."
[Ang kawing ng mananaysay nito ay tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "O Allah, tunay na kami ay naglalagay sa Iyo sa mga leeg nila" ay nangangahulugang "sa harapan nila, itataboy Mo sila palayo sa amin at hahadlangan Mo kami laban sa kanila." Itinangi niya sa pagbanggit ang "leeg" dahil ito ay higit na mabilis at higit na malakas sa pagtaboy at pananaig sa itinataboy. Ihinaharap lamang niya ang leeg niya sa pagsalansang para sa pakikipaglaban o para sa pag-asang magtagumpay sa pagpaslang sa kanila o pagpatay sa kanila. Ang "nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan nila" sa kalagayang ito nakasasapat na sa iyo si Allah laban sa kasamaan nila. Ang ipinakakahulugan nito ay humihiling kami sa Iyo na ipinid Mo ang mga dibdib nila, itaboy Mo ang mga kasamaan nila, makasapat Ka sa amin laban sa mga gawain nila, at humadlang Ka sa pagitan namin at nila: dalawang madaling pangungusap, kapag sinabi ng tao nang tapat at kawagasan, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magtatanggol sa kanya. Si Allah ay ang Tagapagpatnubay.