عن عائشة رضي الله عنها قالت: كَانَ كَلاَمُ رَسُولِ الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- كَلاَمًا فَصلاً يَفْهَمُهُ كُلُّ مَنْ يَسْمَعُهُ.
[حسن] - [رواه أبو داود واللفظ له، والتُرمذي والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Ang salita ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay salitang hiwa-hiwalay,naiintindihan ito ng bawat taong nakakarinig sa kanya.
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Sa Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-sinabi niyang: Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga salita niya ay hiwa-hiwalay.Ibig sabihin,ang [salita niya] ay hiwa-hiwalay,hindi naghahalo ang mga titik sa bawat isa,at hindi rin ang mga salita sa bawat isa,ito ay malinaw at maliwanag sa bawat nakakarinig nito,walang halong kaguluhan at pagpapahaba,At kahit na ito ay ninais ng bumibilang na bilangin.tunay na mabibilang niya ito,dahil sa sobrang mahinaon niya sa pananalita-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At dahil sa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pinagkalooban ng pangkalahatang pananalita,at pinagbuod sa kanya ang salita [ng tunay na] pagbubuod,at ang tinatawag na pangkalahatang pananalita ay ang pagbuo na maraming kahulugan sa kaunting salita lamang.At ito ang nararapat sa tao,ang hindi maghahalo ang kanyang mga salita,kung saan ay naitatago [ang nais nitong sabihin] sa nakakarinig,Sapagkat ang layunin sa pagsasalita ay ang pagpapa-intindi sa taong kinakausap,at sa bawat napakalapit nito sa pagpapaintindi,ay siyang higit na una at mainam,At gayundin,nararapat sa tao,na kapag gumamit ng pamamaraang ito,ibig sabihin;kapag ginawa niya ang salita niya na hiwa-hiwalay,hayag at malinaw,at inulit niya ito ng tatlong beses para sa taong hindi nakaka-intindi nito,dapat na isaalang-alang niya sa mga ito na siya ay sumusunod sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang makamit niya sa mga ito ang gantimpala at pagpapaintindi sa kapatid niyang Muslim,At ganito [ang nararapat gawin] sa lahat ng Sunnah,isipin mo na ikaw ay sumusunod rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang matupad sa iyo ang pagsunod at gantimpala nito.