عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قَبَّلَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم الحسنَ بنَ عليٍّ رضي الله عنهما ، وعنده الأَقْرَعُ بنُ حَابِسٍ، فقال الأَقْرَعُ: إنَّ لي عَشَرَةً من الوَلَدِ ما قَبَّلْتُ مِنْهُمْ أَحَدًا، فَنَظَرَ إليهِ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم فقال: «مَنْ لَا يَرْحَم لَا يُرْحَمُ!».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Hinalikan ng Propeta, (s), si Al-Ḥasan bin `Alīy, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, habang kapiling niya si Al-Aqra` bin Ḥābis kaya nagsabi si Al-Aqra`: 'Tunay na mayroon akong sampung anak; wala akong hinalikan mula sa kanila isa man.' Tumingin sa kanya ang Sugo ni Allah, (s), at nagsabi: 'Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan.'"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinabatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Sugo ni Allah, (s), ay humalik kay Al-Ḥasan bin `Alīy habang kapiling niya si Al-Aqra` bin Ḥābis At-Tamīmīy na nakaupo. Nagsabi si Al-Aqra`: "Tunay na mayroon akong sampung anak; wala akong hinalikan mula sa kanila isa man." Tumingin sa kanya ang Sugo ni Allah, (s), pagkatapos ay nagsabi: "Ang sinumang hindi naaawa ay hindi kinaaawaan." Sa isang sanaysay: "At may magagawa ba ako na inalis ni Allah mula sa puso mo ang awa?" Nangangahulugan ito: ano ang gagawin ko kapag si Allah ay nag-alis na mula sa puso mo ng damdamin ng pagkaawa? Makakaya ko bang ibalik iyon sa iyo?