عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «لو دُعِيتُ إلى كُرَاعٍ أو ذِرَاعٍ لأَجَبتُ، ولو أُهدِيَ إليّ ذِرَاعٌ أو كُرَاعٌ لقَبِلتُ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako. Kung sakaling magreregalo sa akin ng hita o binti [ng tupa], talagang tatanggapin ko."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang ḥadīth na ito ay patunay sa kagandahan ng asal ng Propeta, (s), pagpapakumbaba niya, pag-aalo niya ng mga puso ng mga tao, pagtanggap ng regalo kahit ito ay kakaunti, at pagtugon sa sinumang nag-aanyaya sa bahay nito kahit pa man nalamang ang inaanyayahan ay kaunti dahil ang layon sa pagtanggap ng regalo at pagtugon sa paanyaya ay ang pag-aaliw ng tagapag-anyaya at ang pagpapatibay sa pagmamahalan. Sa pamamagitan ng pagtanggi at hindi pagsang-ayon, nangyayari ang pagkakalayo ng damdamin at ang pagkamuhi. Itinangi ang hita at ang binti sa pagbanggit upang pagsamahin ang hamak at ang mahalaga dahil ang hita ay kaibig-ibig noon sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa iba pa, at ang paa naman ay walang halaga.