عَنِ أبي زُهير عُمَارَةَ بْنِ رُؤَيْبَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم:
«لَنْ يَلِجَ النَّارَ أَحَدٌ صَلَّى قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا»
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 634]
المزيــد ...
Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru'aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Walang lulusot sa Impyerno na isa na nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 634]
Nagpapabatid ang Sugo ni Allah (s) na walang papasok sa Impiyerno na isang nagdarasal ng salah sa madaling-araw at salah sa hapon at nagpapamalagi sa dalawang ito. Nag-udyok siya sa dalawang salah dahil ang dalawang ito ay ang pinakamabigat sa mga salah at dahil ang oras ng madaling-araw ay nasa kasarapatan ng tulog at ang oras ng hapon ay nasa kaabalahan ng mga trabaho ng maghapon at kalakalan dito. Ang sinumang nangalaga sa dalawang salah na ito kasama ng pagkakaroon ng hirap ay mangangalaga sa natitira sa mga dasal.