عن أنس رضي الله عنه قَالَ: لَمَّا جَاءَ أهْلُ اليَمَنِ، قَالَ رسولُ الله صلى الله عليه وسلم : "قَدْ جَاءكُمْ أهْلُ اليَمَنِ" وَهُمْ أوَّلُ مَنْ جَاءَ بِالمُصَافَحَة.
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang pagkakasabi niya: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen" ay isang pagbubunyi sa kalagayan nila at isang paglalantad sa kalamangan nila. Kabilang sa kanila ang mga Ash`arīy, ang mga kalipi ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanila. Nagpapatunay rito ang itinala ni Imām Aḥmad sa Musnad niya 155/3. Ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Darating sa inyo bukas ang mga taong higit na malambot ang mga puso sa Islam kaysa sa inyo." Sinabi: "Dumating ang mga Ash`arīy; nasa kanila si Abū Mūsā Al-Ash`arīy. Noong nalapit na sila sa Madīnah, nagsimula silang tumula, na nagsasabi: 'Bukas makakatagpo natin ang mga minamahal, sina Muḥammad at ang lapian niya.' Noong nakarating na sila, nakipagkamayan sila. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."