عن حذيفة بن اليمان رضي الله عنهما قال: صليت مع النبي صلى الله عليه وسلم ذات ليلة فَافْتَتَحَ البقرة، فقلت: يركع عند المئة، ثم مضى، فقلت: يصلي بها في ركعة فمضى، فقلت: يركع بها، ثم افتتح النساء فقرأها، ثم افتتح آل عمران فقرأها، يقرأ مُتَرَسِّلًا: إذا مَر بآية فيها تَسبِيحٌ سَبَّحَ، وإذا مَر بسؤال سَأل، وإذا مَر بِتَعَوُّذٍ تَعَوَّذَ، ثم ركع، فجعل يقول: «سبحان ربي العظيم» فكان ركوعه نحوًا من قِيَامِهِ، ثم قال: «سمع الله لمن حمده، ربنا لك الحمد» ثم قام طويلًا قريبا مما ركع، ثم سجد، فقال: «سبحان ربي الأعلى» فكان سجوده قريبًا من قيامه.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān, malugod si Allāh sa kanya: "Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya sa Al-Baqarah at inakala ko na yuyukod siya sa ikaisandaang [talata]. Pagkatapos ay nagpatuloy siya at inakala ko na dadasalin niya [ang buong sūrah na] ito sa isang rak`ah ngunit nagpatuloy siya at inakala ko yuyukod siya pagkatapos nito. Pagkatapos ay nagsimula siya sa An-Nisā' at binigkas niya ito. Pagkatapos ay nagsimula siya sa Āl `Imrān at binigkas niya ito. Binibigkas niya ito nang marahan. Kapag napadaan siya sa isang talatang may pagluluwalhati [kay Alla], nagluluwalhati siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may paghiling, humihiling siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may pagpapakupkop [kay Allāh], nagpapakupkop siya. Pagkatapos ay yumuyukod siya at nagsimulang nagsasabi ng subḥāna rabbiya -l-`ađīm (Napakamaluwalhati ng Dakilang Panginoon ko). Ang pagyukod niya ay kasing haba ng pagtayo niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya ng sami`a -llāhu liman ḥamidahu rabbanā wa laka -l-ḥamd (Dinidinig ni Allāh ang sinumang nagpupuri sa Kanya; Panginoon namin ukol sa Iyo ang papuri). Pagkatapos ay tatayo siya nang kasingtagal ng pagyukod niya at nagsasabi ng subḥāna rabbiya -l-a`lā (Napakamaluwalhati ng Kataas-taasang Panginoon ko). Kaya ang pagpapatirapa niya kasing haba ng pagtayo niya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagdasal si Ḥudhayfah kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng qiyāmullayl at humaba ang pagdarasal. Binigkas niya sa isang rak`ah ang Al-Baqarah. Pagkatapos ay ang An-Nisā'. Pagkatapos ay Āl `Imrān. Kapag napadaan siya sa isang talata ng paghiling ay humihiling siya. Kapag napadaan siya sa isang talata ng pagluluwalhati [kay Allāh] ay nagluluwalhati. Kapag napadaan siya sa isang talata ng pagpapakupkop [kay Allāh] ay nagpapakupkop siya. Ang mga ito ay sandali ng pagbigkas niya. Ang dasal niya ay magkakatugma sa haba. Ang pagyukod ay malapit ang haba sa pagtayo. Ang pagpapatirapa ay malapit ang haba sa pagyukod.