+ -

عن عائشة رضي الله عنها قالت: سمع رسول الله صلى الله عليه وسلم صوت خُصُومٍ بالباب عاليةً أصواتُهما، وإذا أَحدُهما يَسْتَوْضِعُ الآخر وَيَسْتَرْفِقُهُ في شيء، وهو يقول: والله لا أفعل، فخرج عليهما رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: «أين المُتَأَلِّي على الله لا يفعل المعروف؟»، فقال: أنا يا رسول الله، فله أي ذلك أحب.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: “Nakarinig ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng mga tinig ng pagtatalo sa pintuan. Malakas ang mga tinig nilang dalawa. Biglang ang una sa dalawa ay humihiling ng bawas at humihiling ng palugit sa isang bagay samantalang nagsasabi naman ang huli: Sumpa may kay Allāh, hindi ko gagawin. Lumabas ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kanilang dalawa at nagsabi: Nasaan ang nanunumpa kay Allāh na hindi siya gagawa ng nakabubuti? Nagsabi ang huli: Ako po, o Sugo ni Allāh, at nasa kanya na ang alin man doon na iibigin niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakarinig ng mga tinig ng dalawang nagtatalo na nag-aalitan sa mga usaping pampananalapi. Tumaas ang mga tinig nila hanggang sa makarating sa mga pandinig ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa bahay niya. Nakinig ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga tinig na ito. Biglang naririnig niya na ang una sa dalawang lalaki ay "humihiling sa huli ng bawas at humihiling ng palugit sa isang bagay." Ibig sabihin ay humihiling ang una sa huli na bawasan ng bahagya ang utang o magpalugit sa una samantalang nagsasabi naman ang huli: Sumpa may kay Allāh, hindi ko gagawin. Kaya lumabas sa kanilang dalawa ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: Nasaan ang nanunumpa kay Allāh na hindi siya gagawa ng nakabubuti? Ibig sabihin: Nasaan ang sumusumpa kay Allāh sa hindi paggawa ng nakabubuti? Kaya nagsabi ang huli: Ako po, o Sugo ni Allāh, at nasa kanya na ang alin man doon na iibigin niya. Ibig sabihin: Ako po ang nanumpa, at makakamit ng kaalitan ko ang ibig niyang bawas sa utang o ang pagpapalugit sa kanya. Sa isang sanaysay ni Aḥmad (24405) at ni Ibnu Ḥibbān (5032): "Kung loloobin mo, ibabawas ko ang inawas nila; at kung loloobin mo ibabawas ko mula sa puhunan." Kaya ibinawas niya ang inawas nila. Ang ipinahihiwatig ng paglalahad ng ḥadīth na ito sa paksang ito ay hayag. Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsisikap na pagkasunduin ang dalawang nagtatalo: sa pamamagitan ng pagbabawas sa utang o pagpapalugit sa utang. Sa paksang ito ay may kuwentong kahawig sa ḥadīth ng paksang ito na Isinaysay ni Al-Bukhārīy (2424) at ni Muslim (1558). Ayon kay Ka`b bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, mayroon siyang pautang kay `Abdullāh bin Abī Ḥadrad Al-Aslamīy. Nakatagpo niya ito at dinikitan niya ito. Nag-usap sila hangang sa tumaas ang mga tinig nila. Nadaanan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: "O Ka`b," at ipinahiwatig niya ng kamay niya na para bang siya nagsasabi: "Kalahati." Kaya kinuha ni Ka`b ang kalahati ng pautang niya at iniwan ang kalahati. Nararapat sa Muslim na magsigasig sa paggawa ng kabutihan at kabilang doon ang pagkasunduin ang mga tao. Kapag nakakita ng dalawang tao o dalawang pangkat o dalawang lipi na may alitan, sigalot, pagmumuhian, at pag-aaway, magsisikap na pagkasunduin sila upang alisin ang anumang humahantong sa pagkakawatak-watak at at pagmumuhian. Mapapalitan ito ng kapatiran at mananaig ang pag-ibig sapagkat sa gayon natatamo ang maraming kabutihan at ang masaganang gantimpala. Bagkus iyon ay higit na mainam kaysa sa antas ng nag-aayuno, nagdarasal sa gabi, at nagkakawanggawa. Nagsabi ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalag: "Hindi ba ako magpababatid sa inyo ng higit na mainam kaysa sa antas ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagkakawanggawa?" Nagsabi sila: "Siya nga po, o Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagkasunduin ang may mga alitan." Isinaysay ito ni Abū Dāwud numero 4919 at itinuring na tumpak ito na Shaykha Al-Albānīy sa Ṣahīh Abī Dāwud numero 4919.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin