عن عَمْرُو بن تَغْلِبَ ـ رضي الله عنه ـ أن رسول الله صلى الله عليه وسلم أُتِيَ بمالٍ أو سَبْيٍ فَقَسَّمه، فأعطى رجالا، وترك رجالًا، فبَلغَه أن الَّذِين تَرَك عَتَبُوا، فحمد الله، ثم أثنى عليه، ثم قال: «أما بعد، فوالله إني لأُعطي الرجل وأدَعُ الرجلَ، والذي أدعُ أحبُّ إلي من الذي أُعطي، ولكني إنما أُعطي أقوامًا لما أرى في قلوبهم من الجَزَع والهَلَع، وَأَكِلُ أقواما إلى ما جَعَلَ الله في قُلُوبِهم من الغِنَى والخَيْر، منهم عَمْرُو بن تَغْلِبَ» قال عمرو بن تغلب: فوالله ما أُحبُّ أن لي بكلمة رسول الله صلى الله عليه وسلم حُمْرَ النَّعَم.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Amr bin Taghlib, malugod si Allāh sa kanya: "Na ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng salapi o isang bihag. Hinati niya ito at nagbigay siya sa ilang lalaki at nagkakait sa ilang lakaki. Nakarating sa kanya na ang mga pinagkaitan niya ay nanumbat [sa kanya]. Pinuri niya si Allāh. Pagkatapos ay ipinagbunyi Siya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Sa pagsisimula, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nabibigay sa isang tao at nagkakait sa isang tao. Ang nilalampasan ko ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa binibigyan ko, ngunit ako ay nagbibigay lamang sa mga tao dahil sa nakikita ko sa mga puso nila na pagkabahala at pagkabalisa at nagtatalaga lamang sa mga tao sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na kasapatan at kabutihan; kabilang sa kanila si `Amr bin Taghlib." Nagsabi si `Amr bin Taghlib: Kaya sumpa man kay Allāh, ang naiibigan ko ay ang salita ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa akin kaysa sa mga pulang kamelyo.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Isinasanaysay sa atin ni `Amr bin Taghlib, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dinalhan ng salapi o isang bihag." [Ang samsam ay] ang nakukuha mula sa kaaway na nahuling tao na magiging lalaki o babaing alipin. "Hinati niya ito at nagbigay siya sa ilang lalaki at nagkakait sa ilang lalaki." ay nangangahulugang nagbigay siya sa ilan sa mga tao bilang pagpapalubag-loob sa mga puso nila at nagkait siya sa iba pa bilang pagtitiwala sa kanila dahil sa ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na lakas ng pananampalaaya at katiyakan. "Nakarating sa kanya na ang mga pinagkaitan niya ay nanumbat [sa kanya]." ay nangangahulugang sinisi nila siya noong sila-sila na lamang sa pag-aakala nila, malugod nawa si Allāh sa kanila, na siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbigay lamang sa mga iyon dahil sa isang ikinatatangi sa relihiyon nila. Kaya tinipon sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at tumayo sa gitna nila na nagtatalumpati. Pinuri niya si Allāh. Pagkatapos ay ipinagbunyi Siya sa kung ano ang karapat-dapat Siya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Sa pagsisimula, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nabibigay sa isang tao at nagkakait sa isang tao. Ang nilalampasan ko ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa binibigyan ko," Nangangahulugan ito: Ang pagbibigay ko sa ilan sa kanila at hindi pagbibigay sa iba pa ay hindi patunay ng pag-ibig ko sa kanila higit sa mga iba pa, bagkus ang mga pinagkaitan ko at hindi ko binigyan ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa mga binigyan ko. Pagkatapos ay nilinaw niya sa kanila ang dahilan ng pagbibigay sa ilan sa kanila kaysa sa iba pa. Sinabi niya: "ngunit ako ay nagbibigay lamang sa mga tao dahil sa nakikita ko sa mga puso nila na pagkabahala at pagkabalisa" Ibig sabihin: Dahil sa tindi ng sakit at pagkasuya na dumapo sa mga sarili nila kung sakaling hindi sila binigyan mula sa samsam, kaya binibigyan ko sila bilang pagpapalubag-loob sa mga puso nila at pagpapabuti sa pakiramdam ng mga sarili nila. "at nagtatalaga lamang [ako] sa mga tao sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na kasapatan" ay nangangahulugang: Nagkakait ako sa mga tao kaya hindi ko sila binibigyan dahil ako ay nagtalaga sa kanila sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na pagkakunteto at kasapatan sa sarili. "at kabutihan;" ay nangangahulugang:ang lakas ng pananampalataya at katiyakan. "kabilang sa kanila si `Amr bin Taghlib." ay nangangahulugang: kabilang sa mga tao na tinanggihan kong bigyan bilang pananalig sa taglay nilang pananampalataya ay "`Amr bin Taghlib." Sa ibang ḥadīth: "Tunay na ako ay talagang nagbibigay sa tao samantalang ang iba sa kanya ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa binigyan, sa takot na ingudngud sa Impiyerno ang mukha niya." Isinaysay ito ni Muslim. Nagsabi si `Amr, malugod si Allāh sa kanya, nang narinig niya ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagbubunya sa kanya: "Kaya sumpa man kay Allāh, ang naiibigan ko ay ang salita ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa akin kaysa sa mga pulang kamelyo." Ibig sabihin: Sumsumpa ako kay Allāh, hindi ako nagnanais sa pagbubunying ito na ipinarangal sa akin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng kapalit kahit pa man bigyan ako ng pinakamahal sa mga yaman ng mga Arabe, ang mga pulang kamelyo.