+ -

عن أم سلمة رضي الله عنها قالت: كان أَحَبَّ الثِّيَابِ إلى رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم القَمِيصُ.
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في السنن الكبرى وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Ang pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang pinakaibig noon sa mga kasuutan para sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay ang kamisa dahil ito ay higit na nakatatakip kaysa sa tapis at balabal. Dahil ito ay iisang pirasong isinusuot ng tao nang iisang ulit, ito ay higit na madali kaysa sa magsuot ng tapis muna at saka balabal sa kasunod. Subalit gayon pa man, kung sakaling ikaw ay nasa isang bayang nakasanayan ang pagsusuot ng mga tapis at mga balabal at nagsuot ka ng tulad sa kanila, walang masama roon. Ang mahalaga ay hindi mo sasalungatin ang damit ng mga naninirahan sa bayan mo para masadlak ka sa katanyagan yayamang ipinagbawal nga ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang damit ng katanyagan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin