عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ مَالِكٍ ابْنِ بُحَيْنَةَ رضي الله عنه:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ إِذَا صَلَّى فَرَّجَ بَيْنَ يَدَيْهِ حَتَّى يَبْدُوَ بَيَاضُ إِبْطَيْهِ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 390]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mālik bin Buḥaynah (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdasal noon, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya [sa sandali ng pagpapatirapa] hanggang sa lumitaw ang kaputian ng mga kilikili niya.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 390]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagpatirapa, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya sa sandali ng pagpapatirapa kaya nagpapahiwalay siya ng bawat bisig palayo sa tagiliran na katabi nito, tulad ng mga pakpak, hanggang sa lumitaw ang kulay ng balat ng mga kilikili niya. Ito ay bahaging pagpapalabis sa pagpapahiwalay ng mga bisig at pagpapalayo sa mga ito buhat sa mga tagiliran.