عن أم الدرداء رضي الله عنها مرفوعاً: « دعوة المرء المسلم لأخيه بظَهْرِ الغيب مستجابة، عند رأسه مَلَك مُوَكَّلٌ كلما دعا لأخيه بخير قال الملك المُوَكَّلُ به: آمين، ولك بمِثْلٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Umm Ad-Dardā’, malugod si Allah sa kanya: "Ang panalangin ng tao para sa kapatid niya nang palihim ay tinutugon. Sa tabi ng ulo niya ay may isang anghel na itinalaga. Sa tuwing dumalangin siya para sa kapatid niya ng mabuti, nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya: Amen, at ukol sa iyo tulad niyon."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang panalangin ng Muslim para sa kapatid niya habang ito ay wala sa piling niya at hindi nito nalalaman ay tinutugon at tinatanggap ni Allah. Kapag dumalangin siya para sa kapatid niya, tumitigil ang isa sa mga anghel sa tabi ng ulo niya at nagsasabi: Amen, at ukol sa iyo ay tulad ng kabutihang ito na ipinanalangin mo para sa kapatid mo.