+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: «ما رأيتُ أحدا كان أرحم بالعِيال من رسول الله صلى الله عليه وسلم »، قال: «كان إبراهيم مُسْتَرضَعًا له في عَوَالي المدينة، فكان ينطلق ونحن معه، فيدخل البيت وإنه ليُدَخَّن، وكان ظِئْره قَيْنًا، فيأخذه فيُقبِّله، ثم يرجع». قال عمرو: فلما تُوفي إبراهيم قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إن إبراهيم ابني، وإنه مات في الثَّدي، وإن له لظِئْرين تُكمِلان رضاعه في الجنة».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:((Wala akong nakita kahit na isa na higit na mapagmahal sa pamilya bukod sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan)),Nagsabi siya:((Si Ibrahim ay may tagapagpasuso sa isang nayon sa Madinah,Umaalis siya at kami ang kasama niya,Pumapasok siya sa bahay at tunay na ito ay mausok.At ang tagapagpasuso niya ay isang Panday ng Bakal,Kinukuha niya ito at hinahalikan niya,Pagkatapos ay umuuwi siya)) Nagsabi si `Amr: At nang pumanaw si Ibrahim,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Katotohanang si Ibrahim ay anak ko,At siya ay pumanaw sa [Gulang] ng pagpasuso,At tunay na sa kanya ay may dalawang Nagpapasuso,gaganapin nilang dalawa ang pagpapasuso sa kanya sa Paraiso.))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinaalam ni Anas bin Malik - malugod si Allah sa kanya- na wala siyang nakita ni isa sa sinumang higit na mapagmahal sa mga pamilya at mga bata kaysa Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Ibrahim ay anak na lalaki ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- pinapasuso siya ng isang nagpapasuso sa isa sa mga nayon sa Madinah,Ang Propeta- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumupunta sampu ng mga kasamahan niya upang bisitahin siya,Pumapasok siya ng bahay at nadadatnan niya nag bahay na umuusok ito ay dahil sa ang asawa ng nagpapasuso sa kanya ay isang panday.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay kinukuha si Ibrahim ay anak ito , at tunay na siya ay pumanaw habang siya ay nasa gulang ng pagpapasuso.At tunay na sa kanya ay mayroong dalawang nagpapasuso na nagpapaganap sa pagpapasuso niya sa Paraiso hanggang sa maging ganap itong dalawang taon.Ito ay dahil sa si Ibrahim ay pumanaw sa kanyang gulang na labing anim na buwan o di kaya'y labimpitong buwan, Kaya nagpapasuso batay sa teksto ng Qur-an, at ito ay bilang pagpaparangal sa kanya at sa ama niya-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin