عن أبي عبد الله خباب بن الأرت رضي الله عنه قال: شكونا إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم وهو مُتَوَسِّدٌ بُرْدَةً له في ظِلِّ الكعبة، فقلنا أَلاَ تَسْتَنْصِرُ لنا، ألا تدعو الله لنا؟ فقال: «قد كان من قبلكم يُؤخذ الرجل فيُحفر له في الأرض، فيُجعل فيها، ثمَّ يُؤتى بالمِنْشَارِ فيوضع على رأسه فيُجعل نصفين، ويُمشط بأمشاطِ الحديد ما دون لحمه وعظمه، ما يَصُدُّهُ ذلك عن دينه، والله لَيُتِمَّنَّ الله هذا الأمر حتى يسير الراكب من صنعاء إلى حضرموت لا يخاف إلا الله والذئب على غَنَمِه، ولكنكم تستعجلون». وفي رواية: «هو مُتَوَسِّدٌ بُرْدَةً، وقد لقينا من المشركين شدة».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullah bin Al-`Arat-malugod si Allah sa kanya-sinabi niya:Nagreklamo kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nakabalot sa tela niya sa silong ng Ka`bah,Hindi moba kami maipagtatagumpay? Hindi kaba mananalangin kay Allah para sa amin? Ang sabi niya: ((Tunay na ang mga taong nauna sa inyo,Tinatangay ang isang lalaki at hinuhukayan siya sa lupa at inilalagay rito,Pagkatapos ay kinukuha ang lagare at inilalagay sa ulo niya at nahahati siya sa dalawang hati,At sinusuklayan sa suklay na bakal na hindi isinasama ang laman niya at buto niya,ngunit hindi parin ito nakakapagpapigil sa relihiyon niya,Sumpa sa Allah,ipagpapatuloy Niya ang gawaing ito hanggang sa maglakbay ang nakasakay mula sa [lugar ng ] Yaman patungo sa Hadramawt [lugar sa dulo ng Yaman],Walang kinatatakutan maliban kay Allah,at ang Lobo ay nasa mga tupa niya,Ngunit kayo ay nagmamadali)) at sa isang salaysay: (( Siya ay nakabalot sa damit at kami ay nakaranas mula sa mga walang pananampalataya ng matinding [kaparusahan]))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Sa Hadith na ito,Ipinapaalam ni Khabab -malugod si Allah sa kanya-ang mga bagay na nakikita niya sa mga Muslim mula sa pagpaparusa ng mga Hindi mananampalataya na Quraysh sa Meccah,dumarating sila na nagrereklamo sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siyana nababalot ng tela [sa mukha] niya sa silong ng Ka`bah,Kaya ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang mga nauna sa amin ay binigyan ng pagsubok sa relihiyon niya ng mas malaking [ pagsubok] mula sa kanila,Hinuhukay sa kanya ang isang hukay pagkatapos ay hinuhulog rito,pagkatapos ay inilalagay ang lagare sa pagitan ng ulo niya at hinahati sa dalawang hati,at sinusuklayan siya ng bakal sa pagitan ng balat niya at buto niya,at ito ay malaking pagpaparusa.Pagkatapos ay sumumpa siya-Ang mga pagpapala ni Allah at pangangalaga Niya ay mapasa kanya-Na si Allah Napakamaluwalhati Niya ay ipagpapatuloy niya ang mga gawaing ito,Ibig sabihin ay;Ipagpapatuloy niya ang anumang Nasimulang gawain ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pag-aanyaya sa relihiyong Islam,Hanggang sa maglakbay ang nakasakay mula sa [lugar ng Yaman] patungo sa Hadramawt [lugar sa dulo ng Yaman],Walang kinatatakutan maliban kay Allah,at ang Lobo ay nasa mga tupa niya,Pagkatapos ay pinatnubayan niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ang mga tanyag niyang kasamahan sa pag-iwan ng pagmamdali;Ang sabi niya: " Ngunit kayo ay nagmamadali" Ibig sabihi ay:Magtimpi kayo at maghintay kayo ng Kaginhawaan mula kay Allah,Sapagkat tunay na si Allah ay magpapatuloy sa gawaing ito,At nagkatotoo ang nangyari tulad ng isinumpa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.